^

True Confessions

Kaibigan (13)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘Kahit man lang sa paglalaba ng damit mo ay makaganti kami ni King sa iyo,’’ sabi ni Lara na tila nahihiya sa kanya.

‘‘Huwag na Lara. Kayang-kaya ko ang trabahong ito. Magpahinga ka na lang at alam kong pagod ka rin sa mga gawin dito sa bahay.’’

Napangiti na lang si Lara at tumalikod.

Ipinagpatuloy ni Dex ang paglalaba. Habang naglalaba, napapangiti si Dex dahil sa unang pagkakataon ay nagsalita si Lara. Nag-alok ng tulong. Baka noon pa ito gustong mag-alok ng tulong pero nahihiya lang.

Pero sa totoo lang, kahit pa nag-aalok ng tulong, hindi niya palalabhan ang damit kay Lara. Nakakahiya na baka isipin na porke nakikitira sila rito ay pala­labhan ang damit. Ayaw niyang may masabi ang mag-asawa. Ayaw niyang dahil lamang sa ganung bagay ay mayroong masabi sa kanya.

Binanggit niya kay King ang pag-aalok ng tulong ni Lara.

‘‘Ako ang nagsabi sa kanya  na tulungan kang maglaba. Sabi ko nakakaawa ka naman.’’

‘‘Sanay akong maglaba King. Sabi ko kay Lara mag­pahinga na lang siya at pagod din siya rito sa bahay.’’

‘‘Sabi ko na nga ba’t tatanggihan mo.’’

‘‘Nakakahiya rin kasi kay Lara. Hindi naman siya utusan dito.’’

Nagtawa na lang si King.

Natutuwa si Dex na maganda ang pagsasama nina King at Lara. Saksi siya sa magandang pagsusunuran ng dalawa. Ni minsan, mula nang tumira sa kanya ang mga ito ay hindi niya nakitang nag-away o kaya’y nagkatampuhan man lang. Mahal nila ang isa’t isa. At paki­ramdam ni Dex, lalong tumi­tibay ang pagmamahalan ng dalawa.

Mabait kasi si King. Kung gaano ito kabait na kaibigan sa kanya ay ganundin kabait bilang asawa.

Naidalangin ni Dex na ganito lagi sana kasaya ang pagsasama ng mag-asawa. Pati siya ay kuntento at masaya. (Itutuloy)

vuukle comment

LARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with