^

True Confessions

Kaibigan (4)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Kinabukasan, nagulat si Dex nang maabutang nag­lilinis sa kusina si Lara at si King naman ay sa salas nagwawalis.

“O ang aga naman ng pagtatraba­hong ‘yan. Mag-almusal muna tayo,’’ sabi ni Dex sa mag-asawa.

“Dito man lang ay makabawi ka sa amin, Dex.’’

‘‘Nakakaisang gabi pa lang kayo e akala mo naman taon na kayong narito.’’

‘‘Basta tutulungan ka namin.’’

‘‘Sige magluluto muna ako ng agahan natin. Puwede na ba sa inyong mag-asawa ang fried rice, corned beef at pritong itlog?’’

‘‘Oo naman. Teka at tutulungan ka namin ni Lara sa paghahanda.’’

‘‘Ako na lang, King. Yakang-yaka ito!’’

‘‘Sige bahala ka. Itutuloy ko itong pag­wawalis sa salas. Saan ba ang lalagyan mo ng basura?’’

“Nasa kabila ng pinto.’’

Itinuloy ni King ang pagwawalis at si Dex ay hinarap ang pagluluto ng agahan. Si Lara ay patuloy sa pagpupunas ng sahig sa kusina.

‘‘Magpahinga ka naman Lara,’’ sabi ni Dex habang niluluto ang cormed beef.

Ngumiti lamang si Lara at itinuloy ang pag­pupunas ng sahig.

Ipinagpatuloy ni Dex ang pagluluto. Nang maluto ang corned beef, ang itlog naman ang pinirito niya. At saka isinangag ang kanin. Nagpakulo siya ng tubig para sa kape.

Maya-maya ready na ang almusal. Nag­hain na siya. Tinawag ang dalawa. Sabay-sabay silang kumain.

Pagkatapos kumain, naligo si Dex. Papasok siya sa trabaho.

Naligo rin si King at nagbihis.

‘‘Maghahanap ako ng trabaho, Dex.’’

“Sige, halika. S­abay na tayo hanggang sa­kayan.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

KAIBIGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with