^

True Confessions

Kaibigan (3)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Kapag nakakita ako ng trabaho at kumi­kita na, maghahanap kami nang mauupahan, Dex,’’ sabing nahihiya ni King.

“Kahit hanggang kailan kayo rito. Sarili ko naman itong bahay na ito, Wala kayong aalalahanin.’’

“Sarili mo na pala ito, Dex? Di ba nangungupahan ka dati rito?’’

“Oo. Sa akin ipinagbili ng may-ari nang mag-migrate sila sa U.S. Mura lang binigay sa akin. Hulugan pa. Pero tapos ko nang bayaran.’’

“Natatandaan ko na dito ka nangungupahan nun.’’

“Oo mula nang mag-aral ako sa kolehiyo dito na ako. Ikaw naman ay dun sa may Lardizabal St. nakatira di ba?’’

“Tama.’’

“Di ba madalas ako sa tinitirahan mo sa Lardizabal nun at humihiram sa ‘yo ng sapatos na pang-P.E.’’

“Naalala mo pa ‘yun, Dex, ha-ha-ha!’’

‘‘Siyempre hindi ko malilimutan ‘yun. Kung hindi mo ako pinahiram ng sapatos baka hindi ako nakapag-P.E. at hindi naka-graduate.’’

“Buti kasya sa iyo ang shoes ko, ha-ha-ha!’’

“Magkasukat naman tayo di ba? Ang sarap ngang itakbo ng shoes mo. Ako na yata ang nakasira dahil sa kahihiram.’’

Nagkatawanan sila.

Ang asawa ni King na si Lara ay tahimik at nakati­ngin habang nagkukuwentuhan ang dalawa.

Maya-maya, nahalata ni Dex na parang inaantok na si Lara.

“Halikayo rito sa magi­ging kuwarto n’yong mag-asawa. Magpahinga na kayo dahil pagod kayo sa biyahe.’’

Sumunod ang mag-asawa kay Dex.

Binuksan ni Dex ang kuwarto.

“Dito kayo. Kumpleto sa gamit ‘yan. Buksan n’yo ang aircon para komportable ang pagtulog n’yo.’’

“Salamat Dex.’’

“Sige na. Halatang inaantok na si Lara.’’

Pumasok na ang mag-asawa sa kuwarto.

(Itutuloy)

vuukle comment

DEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with