^

True Confessions

Kaibigan (1)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Umaga ng Sabado. Walang pasok sa trabaho si Dex kaya ang paglilinis ng bahay at paglalaba ng kanyang mga damit ang inaatupag niya. Nasanay na siya sa ganoong schedule kapag Sabado. Wala namang gagawa ng mga iyon kundi siya dahil nag-iisa lang siya sa buhay.

Habang nagwawalis sa salas, biglang may nag-text sa kanya. Binasa niya. Mula sa kanyang kaibigang si King.

“Dex luluwas kami ng Maynila bukas. Sa iyo kami tutuloy, puwede?’’

Si King ay nasa Laguna.

Sinagot niya:

“Oo naman. Welcome kayo rito sa apartment ko. Alam mo na ba ang pagpunta rito. Baka maligaw ka rito?’’

Sagot ni King:  “Di ba sa may Jhocson yan. Malapit sa NU?’’

Sagot ni Dex : ‘‘Oo. Sa may kanto ng Earnshaw.’’

King: “Alam ko yan. Kabisado ko yan.’’

Dex: “Good. Hintayin ko kayo. Sino bang kasama mo?’’

King: “Esmi ko.’’

Dex: “Hihintayin ko kayo. Maghahanda na ako ng pagkain.’’

King: ‘‘Hindi ka pa rin nagbabago Dex.’’

Dex: ‘‘Siyempre naman. Magkaibigan tayo di ba?’’

King: ‘‘Sige Dex, dara­ting kami bukas.”

KINABUKASAN, dakong alas diyes may kumatok sa bakal na gate ng aparment ni Dex.

Sina King.

Binuksan ni Dex.

“Nagkita rin tayo,’’ niyakap ni Dex si King.

At saka niyaya ang mga ito na pumasok.

(Itutuloy)

vuukle comment

DEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with