Huling Eba sa Paraiso (Wakas)

Tumalikod si Ma­rianne at hinubad ang maong jacket. Kasunod na hinubad ang na­kapailalim na shirt. Na­­iwan ang bra.

“Bakit ka tumatalikod?’’ sabing nagtatawa ni Drew na naghuhubad na rin ng damit nito.

‘‘E kung makita mo ito?’’

‘‘Nakita ko na nga ‘yan nun pa. Huwag ka nang tumalikod.’’

“Basta!’’

Sunod na hinubad ni Marianne ang pantalon. Nakatalikod pa rin. Natira ang panty.

‘‘Wow!’’

‘‘Wow ka pa diyan.’’

‘‘Ganda naman!’’

‘‘Halika na nga at nang makaligo na.’’

“Alisin mo na ang bra.’’

“Ayoko!’’

“Nun ngang naligo ka rito, wala kang bra.’’

“E iba nun kaysa ngayon.’’

“Alisin mo na para walang sagabal.’’

“Pilyo ka, Drew.’’

“Sige na.’’

Napilitan si Marianne. Inalis ang bra. Pero nakatalikod pa rin kay Drew nang alisin iyon.

Pagkatapos alisin ay itinakip ang kanang braso sa mga “papaya”. Ayaw talagang ipakita.

“Alisin mo na rin ang natitira pa.’’

Inirapan siya ni Marinne.

“Halika na sa tubig, Drew !’’

Lumusong sila sa tubig. Hanggang baywang.

‘‘Ang lamig Drew!’’

‘‘Mamaya lang wala na ang lamig na ‘yan.’’

Sumisid si Drew. Nang lumutang ay sa mismong harap ni Marianne. Hindi na nagawang takpan ni Marianne ang mga ‘‘papaya’’ at dun mismo napasubsob si Drew. Para siyang sanggol na nakatagpo ng cute na tsupon. Hindi nakakibo si Marianne.

‘‘Pilyo ka talaga!’’ nasabi nito.

Nagtawanan sila. Napuno ng halakhak ang lugar.

‘‘Para tayong sina Adan at Eba.’’

‘‘Oo nga. Nasa isang paraiso tayo.’’

‘‘Ikaw ang huling Eba sa paraiso at sa buhay ko,’’ sabi ni Drew at mahigpit na niyakap si Marianne.

(Bukas, aba­ngan­ ang isa na namang kapana-panabik na nobela ni Ronnie M. Halos. Huwag bibitiw!)

Show comments