Huling Eba sa Paraiso (168)

KINABUKASAN, abalang-abala sina Drew, Marianne at Tikoy sa pag-ani ng kanilang mais, dalawang tao ang dumating sakay ng isang mahabang jeepney.

Kinausap ng isa sa mga lalaki si Drew.

“Magandang umaga po. Mga biyahero po kami, Nabalitaan po namin ang pagharvest n’yo ng mais. Kami na po ang papakyaw. Bibilhin po namin sa mataas na halaga. Kami na rin po ang magpapaani.’’

Hindi makapaniwala si Drew. Lumapit na sa kanila ang buyer sa halip na sila ang magtinda sa bayan. Eto na yata ang epekto ng magandang guhit ng palad ni Marianne.

‘‘Sige po. Pag-usapan natin ang presyo,’’ sabi ni Drew sa lalaki.

‘‘Sabihin mo po ang presyo at hindi kayo mapapahiya.’’

Sinabi ni Drew at agad na pumayag ang lalaki. Daang libong piso ang halaga ng isang ektaryang maisan.

Binayaran agad si Drew.

“Puwede po bang kami na rin ang pumakyaw ng mga susunod pang ani, Sir?’’

‘‘Walang problema basta magkakasundo tayo sa presyo.’’

‘‘Magbabayad po ako ayon sa gusto n’yo, Sir.’’

Matapos ang pag-harvest ng unang batch ng mais ay umalis na ang mga buyer dala ang mais na nakakarga sa dyipni. Babalik ang mga to kinabukasan para kunin ang mga natitira.

‘‘Naniniwala ka na Marianne na yayaman ka dahil nasa guhit ng palad mo?’’

Hindi agad makasagot si Marianne.

“Buyer na ang lumalapit sa atin. Hindi na ­kailangang dalhin sa ­bayan ang produkto.’’

“Naniniwala na ako Drew. Tama ka!’’

‘‘Hindi magtatagal at magiging milyonarya ka, Marianne.’’

“Pero di ba ikaw dapat ang makinabang—ikaw ang may-ari. Katulong lang ako.’’

“Magiging mag-asawa tayo di ba? Kaya may-ari ka na rin.’’

Halos mapaiyak si Marianne.

“Marami ka pang kikitain, Marianne dahil sa guhit ng palad mo.’’ (Itutuloy)

Show comments