^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (146)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nagpatuloy si Marianne sa pagku­ku­wento.

“Tumayo si Mr. C at iniwan ang mga kausap na Chinese. Dinala ako sa maliit na kuwarto at tinanong kung narinig ko ang pinag-uusapan nila kanina. Sabi ko’y hindi. Tiningnan ako na may pagdududa ni Mr. C. At saka nagbanta, kapag daw natuklasan ng mga pulis ang kanilang lihim, ako lang daw ang pinanggali­ngan niyon at wala nang iba. Papa­tayin daw nila ako kapag nabuking ang kanilang ne­gosyo. Pagkatapos­ akong bantaan ay pinalabas na ako ng silid.’’

“Wala nang nang­yaring pagbabanta sa iyo mula nun?’’ tanong ni Luke.

“Wala na. Ang sumunod nang pang­yayari roon ay nang i-rescue o itakas ako ni Drew sa club. At marahil nang tumakas ako, lalong tumibay ang hinala ni Mr. C na nalaman ko ang lihim nila ukol sa shabu laboratory.’’

“Posible ang sinabi mo, Marianne. Iyon ang dahilan kaya ka hinahanap ng mga tauhan ni Mr. C. Papatayin ka nila dahil mayroon kang nalalaman sa ne­gosyo nila.’’

‘‘Sa palagay mo kaya Luke, naroon pa sa mga lugar na sinabi ni Marianne ang shabu ?’’

‘‘Palagay ko, inalis na nila ‘yun dun. Pero magpapadala pa rin ako ng mga tauhan para manmanan ang lugar.’’

‘‘Tiyak na ma­rami ang shabung­ naroon dahil dun pala ginagawa mismo,’’ sabi ni Drew.

‘‘Oo. Marami na namang kabataan ang sinira dahil sa kagagawan ni Mr. C. Kaya, hindi ko na siya paliligtasin, Drew. Ibu­buhos ko na lahat ang makakaya ko para mahuli patay o buhay si Mr. C.’’

“Mag-ingat kayo, Luke.’’

“Mamaya na kami sa­salakay sa Binondo. Nakahanda na ang raiding team ko. Dala namin ang warrant. Kapag lumaban si Mr. C, mapipilitan na kaming gawin ang nara­rapat.’’

‘‘Sana matapos na ito Luke. Para makabalik na sa normal na buhay. Mahirap itong may mga nagbabanta. Patakbu-takbo.’’

‘‘Matatapos na ito mamaya, Drew. Tandaan mo ang sinabi ko.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

EBA

PARAISO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with