^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (136)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Iiwan ko si Lola, Drew?’’ tanong ni Marianne na hindi makapaniwala.

“Oo. Ikaw lang ang kailangan ng mga naghahanap sa’yo at hindi sila magkakaroon ng interes kay Lola.’’

“Paano kung…’’

“Huwag mong isipin na may mangyayari kay Lola. Basta kung mangyayari ang iniisip mong pagpasok ng mga lalaki, gawin mo ang sinabi ko. Tumakas ka sa pamamagitan ng pagdaan sa sekretong daan sa likod ng bahay.’’

“Oo Drew.’’

Ibinaba na ni Drew ang phone.

Masinsinan naman siyang kinausap ni Luke.

“Mas maganda kung luluwas ka sa Maynila, Drew para natutulungan mo si Marianne. Isama mo na si Tikoy para may alalay ka.’’

“Paano ka Luke?’’

“Ako na ang bahala rito. Babalik ako sa club at kakausapin ko ang waiter na nakausap natin. Gagawin ko siyang asset para marami pang maging ebidensiya kay Mr. C. Sige na maghanda na kayo ni Tikoy sa pag-alis. Tatawagan o iti-text kita.”

Nagpresenta naman sina Kardo at Lando na sasamahan si Luke.

(Itutuloy)

vuukle comment

EBA

PARAISO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with