^

True Confessions

Hling Eba sa Paraiso (135)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nanginginig sa takot ang boses ni Ma­rianne nang tumawag kay Drew. Ito ang unang tawag ni Marianne sa kanya mula nang umalis­ siya sa Maynila para bi­sitahin si Tikoy sa pro­bin­siya na naospital ma­tapos bugbugin. Bago siya umalis, mahigpit­ niyang ipinagbilin kay Marianne na tumawag sa kanya anuman ang mangyari. Ipinagbilin­ din niya na huwag lalabas ng bahay kung hindi rin lang kailangan. Sinabi rin niya kay Ma­rianne ang sekretong daan sa likod ng bahay.

“Bakit ka tumawag Marianne?’’ tanong niya.

“May mga lalaking laging nakatingin dito sa bahay. Kahapon ko pa napansin na parang nag-aaabang. Natatakot ako, Drew,’’ sabi ni Marianne.

“Ngayong oras na ito, may nakikita ka ba?’’

“Oo—tatlong lalaki!’’

“Hindi mo namumuk­haan kung mga tauhan ni Mr. C?’’

“Hindi. Ngayon ko lang nakita ang mga ito!’’

“Nakatambay ba sila sa harap?’’

“Hindi. Mabagal ang ka­nilang paglalakad pero ang direksiyon ng tingin ay dito sa bahay.’’

“Nakakandado ba ang gate?’’

“Oo.’’

“Ang main door, naka­sara ba?’’

“Oo.’’

“In case na magpipilit silang pumasok, tumawag ka sa hotline ng pulis o sa barangay. Nakasulat sa pinto ng aking kuwarto ang number.’’

“Oo Drew.’’

“Kung nakapasok sila sa bahay, alam mo na ang gagawin—sa sekre­tong daan sa likod kayo dumaan ni Lola Ela. Iti­nuro ko na sa iyo kung paano aalisin ang harang ng secret passage di ba.’’

“Oo Drew, alam ko na ang gagawin ko. Pero ang problema ay si Lola. Mahina siyang maglakad. Ma­sakit­ ang mga tuhod niya.’’

Problemado si Drew sa sinabi ni Marianne.

Kinunsulta niya si Luke na noon ay nakikinig. Ipinayo ni Luke na iwanan ni Marianne si Lola Ela sa bahay. Si Marianne na lamang ang tumakas.

Sinabi iyon ni Drew kay Marianne.

(Itutuloy)

vuukle comment

DREW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with