^

True Confessions

Huling Eba Sa Paraiso (134)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Humanda ka Drew, mukhang kalaban ang mga ito,’’ pabulong na sabi ni Luke nang makitang humarang sa daraanan nila ang dalawang lalaki na mga mukhang sanggano.

“Nakahanda ako, Luke.’’

Pero nakahinga sila nang maluwag sapagkat nang magsalita ang isa sa mga lalaki, natiyak nilang hindi kalaban ang mga ito.

“Magandang gabi po mga Sir. Saan po ba ang daan patungo sa restau­rant. ‘Yung sikat na restaurant dito sa bayan. Hindi po na­min makita.’’

Si Drew ang sumagot.

“Sa unang kanto, kuma­nan kayo at makikita n’yo ang restaurant.’’

“Marami pong salamat mga Sir,’’ sabi ng lalaki.

“Walang anuman.’’

Umalis na ang dala­wang lalaki.

Nagpatuloy naman sina Drew at Luke patungo sa kinapaparadahan ng kanilang sasakyan.

“Akala ko mga kalaban na, Drew. Wala pa naman akong dalang kargada.’’

“Akala ko rin, Luke. Kasi sa itsura ng dalawa parang mga goons na bataan ni Mr. C.’’

“Yun din ang hula ko, Drew kaya sinabihan kita na maghanda.’’

‘‘Mabilis naman ako sa takbuhan, ha-ha-ha!’’

‘‘Iiwanan mo ako, ha-ha-ha!’’

Nakarating sila sa sasak­yan ni Drew. Umalis na agad sila.

Habang nasa sasak­yan, sinabi na ni Luke ang mga gagawin nila kina­bukasan.

‘‘Babalik uli tayo bukas sa club. Magmamanman uli tayo.’’

“Hindi kaya mabuti ay sa sunod na araw na lang Luke. Huwag bukas. Masama ang kutob ko na may mangyayaring hindi maganda bukas.’’

“Sige.’’

“Kapag kinutuban ako, nangyayari talaga.’’

“Tama ‘yan. Maski ako kapag kinutuban, hindi ko tinutuloy. When in doubt, don’t.’’

Hindi nga sila tumuloy.

Pero may masamang balitang natanggap si Drew mula kay Marianne. Tinawagan siya nito sa phone. (Itutuloy)

vuukle comment

DREW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with