^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (133)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Ang mga sumunod pang panoorin ang naka-shock kina Drew at Luke. Ibinuyangyang na nang todo ng mga babae sa entablado ang kanilang “kaangkinan” sa harap ng mga lalaking manonood. Parang mga asong naglalaway ang mga lalaki habang nakatutok ang mga mata sa murang-murang “kaangkinan” ng mga menor-de-edad. Bawat isa sa mga nanonood ay nagnanais na makita nang malapitan ang mga bubot na “kaangkinan” subalit may mga nakabantay sakalit may dumukwang sa mga babaing nasa entablado.

Napabuntunghininga si Drew.

Saka bumaling kay Luke na noon ay wala ring kurap na nakatingin sa mga menor-de-edad na nagbubuyangyang ng kaangkinan.

Pabulong ang pagkakasabi niya at baka may makarinig ay maghinala.

“Matindi ang ginagawa ngayon, Luke. Nung una akong manood dito, hindi ganyan ang ginagawa ng mga dancer. Palubha nang palubha ang ginagawa sa club na ito. Masyado nang malaswa.’’

“Kailangan na talagang matigil na ito, Drew. Isa pa, napakababata ng mga nagpi-perform. Halos mga bubot pa ang mga ibinubuyangyang nila.’’

“Naidokumento mo na ba lahat?’’ pabulong na sabi ni Drew.

“Oo. May ebidensiya na tayo. Pero kakalap pa tayo nang mas matindi.’’

“Sige.’’

Naghintay pa sila ng may kalahating oras at saka ipinasyang lumabas na. Pasado alas tres na ng madaling araw.

Hinahanap ni Drew ang waiter na nagsilbi sa kanila pero wala ito.

Pagkatapos bayaran ang kanilang nakain at ininom, lumabas na sila.

Nang nasa kalsada na sila at naglalakad patungo sa kinapaparadahan ng kanilang sasakyan, napansin ni Drew ang dalawang lalaki na nakatingin sa kanila. Sinabi niya kay Luke.

“Tinitingnan tayo ng dalawang lalaki. Hindi kaya mga bataan ni Mr. C ang mga ‘yun?’’

“Huwag mong titingnan. Magpatuloy lang tayo sa paglalakad.’’

Nagpatuloy sila pero humarang ang dalawang lalaki sa kanilang daraanan.

(Itutuloy)

vuukle comment

DREW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with