^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (131)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ano bang pangalan ng waiter na ‘yun, Drew?’’ tanong ni Luke.

“Nakalimutan ko Luke. Kasi nga nang magtungo ako rito nun, nagkaroon ng raid dito ang mga pulis. Kanya-kanya kaming ligtas ng sarili. Nun ko nga naitakas si Marianne—’yung star dancer dito. Hindi ko nakausap mula nun ang waiter.’’

“Ah ganun ba? Di bale, ang mahalaga ay meron tayong asset dito sa loob. Mahalaga ang may asset­ sapagkat malalaman natin ang galaw dito. Kailangan, makumbinsi natin ang waiter na maging ‘mata’ ay ‘taynga’ natin dito.’’

“Gagawin ko ang lahat para makumbinsi ang waiter. Palagay ko ay mabilis namang pakiusapan.’’

“Sabihin mo babayaran natin siya.’’

“Oo, sasabihin ko sa kanya, Luke.’’

“Mukha rin kasi na ma­ra­ming nalalaman ang waiter.’’

“’Yan din ang palagay ko Luke. Parang may nalalaman siya ukol sa mga babae na bagong recruit.’’

“Oo nga. Bakit nasabi niyang may mga bagong recruit.’’

“Mas maganda siguro Luke kung sa bahay mismo ng waiter ko siya kakausa­pin para maging asset natin.’’

“Magandang ideya ‘yan, Drew.’’

Maya-maya nakita nila na inaayos na ang entablado­. Nang tingnan ni Drew ang oras, mag-aalas dose na pala. Si­mula na ng happy hour.

“Hindi ko namalayan ang oras, Luke. Magsisimula na ang show.’’

“Ako rin, hindi ko namalayan na alas dose na pala. Ang bilis ng oras kapag narito.’’

May naaalala si Drew.

Inilapit ang bibig sa tay­nga ni Luke. Binulungan niya ito.

“Ipaalala ko lang ang ka­kalapin nating ebidensiya, Luke.’’

“Huwag kang mag-worry, Drew. Kanina pa ako nagdodokumento. Ang kulang na lang ay ang magsasayaw na menor-de-edad.’’

“Ang bilis mo Luke!’’

“Ganito talaga ako kabilis magtrabaho. Hindi ako uma­alis sa lugar na kulang-kulang ang ebidensiya.’’

“Mahusay kang alagad ng batas, Luke.’’

Maya-maya pa, pinatay ang ilaw. Nilamon ng dilim ang kabuuan ng club/restaurant.

At saka dahan-dahan na nabuhay ang mga ilaw sa stage. Kasunod ay ang maharot na musika. At sinundan nang malakas na boses ng lalaking dj. Ipinakikilala ang mga magpi-perform.

Maya-maya pa, isa-isa nang naglabasan ang mga babaing naka-bra at panty.

Mangha si Luke sa nakita.

“Mga menor-de-edad nga!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DREW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with