^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (130)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Saglit na natigilan si Drew sa pagbati ng waiter. Hindi niya maalala ang pangalan nito. Ito ang nagsilbi sa kanya nang araw na magkaroon ng raid habang nagsasayaw si Marianne. Natatandaan pa pala siya ng waiter kahit ilang buwan na ang nakararaan.

“Hinihintay kitang bumalik dito Sir. Siguro akala mo e nagsara na itong club-restaurant mula nang mag-raid.’’

‘‘Oo nga! Kaya hindi na ako nagpunta rito e akala ko sarado na dahil ni-raid noon. Nagtakbuhan ang mga tao dito nun.’’

“Oo nga Sir. Hinahanap kita pagkatapos ng raid pero wala ka na.’’

“Oo nakatakbo ako. Isa pa kaya hindi na ako naka­balik ay dahil nagbalik ako sa Maynila.’’

“A ganun ba Sir? E di madalas ka nang pupunta rito Sir?’’

“Oo. Madalas na kaming­ pupunta rito ng kaibigan ko.’’

“Mabuti naman Sir.’’

“Pero baka naman ri-raid uli ito e magtakbuhan na naman ang customer?’’

“Hindi na Sir,’’ sabi ng waiter at inilapit ang bibig kay Drew at may ibinulong, “kunwari lang ang raid Sir. Nagpapadagdag lang ng intelligence fee ang chief of police. Wala nang magri-raid dito Sir.’’

“Ganun ba?’’

“Oo Sir.’’

“Sige, e di regular na ka­ming pupunta nitong kaibi­gan ko rito.’’

“Sige Sir. Maraming bagong dancer dito ngayon —mga menor. Bagong recruit…’’

“Ganun ba? Anong oras ba ang happy hour?’’

“Alas dose Sir.’’

“Hanggang anong oras?’’

“Alas kuwatro ng ma­da­ling araw, Sir.’’

“Okey sige.’’

“Enjoy kayo mga Sir,’’ sabi ng waiter at umalis na.

Binalingan ni Drew si Luke.

“Narinig mo, Luke, maraming bagong dancer at mga menor de edad. Tamang-tama na maidodokumento natin.’’

“Kakailanganin natin­ ang waiter na kausap mo. Kailangang siya ang ma­ging asset natin dito. Dapat mayroon tayong kontak dito sa loob para magta­gumpay ang misyon natin.’’

“Madali kung magagawa ‘yan. Paglapit muli ng waiter­ dito, sisimplehan ko. Mukhang madali namang kumbinsihin.’’

“Bibigyan natin nang malaking tip, Drew.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

EBA

PARAISO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with