^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (129)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

UMORDER ng pagkain si Drew. Crispy pata at kare-kare ang inorder niya. Kay Luke ay sinigang na panga ng tuna. Pagkatapos kunin ang kanilang order ay umalis na ang waiter.

‘‘Marami palang kumakain dito Drew? Halos puno na.’’

“Masarap kasi ang pagkain dito, Luke. Dito dumarayo ang mga kalapit na bayan.’’

“Ilang beses ka nang nakakain dito?’’

“Dalawang beses pa lang.’’

“Saan ginaganap ang happy hour?’’

“Dito rin mismo. Mamayang alas dose, magkakaroon ng stage dun sa dakong ‘yun. ‘Yung may kober na puti. Aalisin ang kober at stage kung saan magpe-perform ang mga dancers. Mamaya pa ‘yun. Magugulat ka na lang na nasa club tayo. Mawawala na ang ilaw!’’

“Ibig sabihin, papatayin ang ilaw dito?’’

“Oo. At ang papalit ay mga makukulay na ilaw. Mapupuno ng mahaharot na musika at simula na ang parada ng mga babae—mga menor-de-edad!’’

“Kailangan pala nakahanda ang gadget natin para makunan ng pictures. Matibay na ebidensiya. Pero mag-iingat tayo sa pagkuha, Baka may nagmamasid sa atin.’’

“Oo Luke. Sigurado ako may mga bataan dito ang taong puntirya natin. Kailangan mag-ingat tayo.’’

“Ako na lang ang kukuha. May maliit akong cell phone na hindi halata. Sophisticated ito.’’

“Nasaan?’’

“Nasa cap ko. Maliit lang pero kuhang-kuha ang subject.’’

“Kumpleto ka talaga, Luke.’’

“Oo. ‘Yan ang trabaho ko Drew.’’

Maya-maya, palapit na ang waiter na may dala ng kanilang order na crispy pata, kare-kare at sinigang na panga ng tuna. May dalawang cup ng rice.

Ibinaba ang mga order sa kanilang mesa. Na­samyo nila ang bango ng pagkain.

“Kumpleto na po ba Sir ang order n’yo?’’ tanong ng waiter.

“Kumpleto na. Mamaya, dalhan mo kami ng dalawang malamig na beer,’’ sabi ni Drew.

Sinipat ng waiter si Drew. At saka nagsalita.

“Sir, ikaw pala! Bakit ngayon ka lang Sir?’’

Hindi makasagot si Drew.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with