^

True Confessions

Ang Huling Eba sa Paraiso(126)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Ang bahay na tinutuluyan ni Luke ay malapit sa simbahan at napapalibutan ng mataas na pader. Ayon kay Luke, ang may-ari ng bahay ay nasa U.S. at ang caretaker na lamang ang kausap niya. Nagustuhan ni Luke ang bahay dahil may sekretong daanan patungo sa simbahan. Sabi ng caretaker, ang may-ari ay tao ng simbahan o nagsisilbi sa simbahan noong narito pa sa Pilipinas. Ipinagawa nito ang sekretong passage patungo sa simbahan para mabilis na makakapunta kapag may service o misa kapag Linggo.

“Tamang-tama ito sa misyon ko dahil posibleng may makatiktik sa akin, di ba Drew?’’

“Oo. Sa lawak ng galamay ni Mr. C, madali kang maaa­moy. Tama lang na dito ka sa bahay na ito, Luke.’’

‘‘Samahan n’yo ako rito. Tutal naman at pare-pareho pala tayong nagnanais na maging drug free ang bayang ito.’’

“Sasamahan ka namin sa laban mo, Luke.’’

“Salamat. E itong sina Kardo at Lando, sasama rin ba kayo sa amin?’’

“Oo Sir,” sagot ni Kardo. “My atraso sa akin si Mr. C. Igaganti ko ang aking kapatid na naging addict.’’

“E ikaw Lando?’’

“Ganundin ang layon ko Sir. Gusto kong makaganti  sa ginawa niya sa pinsan kong babae na binenta sa mga kaibigan niyang Chinese. Napakasama ng ginawa niya.’’

“Paano ang pamilya n’yo? Baka mag-alala sila?’’

“Alam na nila Sir ang plano namin.’’

“Kung ganun e di magsama-sama tayo para mawakasan ang kasamaan ni Mr. C.’’

May sinabi si Drew kay Luke ukol kina Lando at Kardo.

“Mga dati silang sundalo Luke na na-discharge dahil napasama sa kudeta sa Makati noon.’’

‘‘Ganun ba? Kaya pala mga tigasin ang mga ito. Sige, subukan natin ang tigas ni Mr. C. Pero kaila­ngan ay makakalap tayo ng ebidensiya laban sa drug lord na yun. Kailangang matibay na ebidensiya.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

EBA

PARAISO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with