^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (19)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

Alam ni Drew na mali ang ginagawa niyang pagkuha ng video sa nali­ligong babae pero bakit hindi niya kayang pigilan o kontrolin ang sarili. Bakit malakas ang kanyang loob? Ngayon lang niya nagawa ang ganitong kapa­ngahasan. Siguro kaya malakas ang loob niya ay dahil nasa sarili siyang balwarte. Walang makakapa­nita sa kanya dahil nasa sarili siyang lugar.

Nagpatuloy pa si Drew sa pag-shoot. Malinaw na malinaw ang bawat pagkuha niya. Nasabi ni Drew sa sarili na sana ay hindi pa matapos sa paliligo ang babae. Sana magtagal pa.

At parang dininig naman ang wish ni Drew sapagkat nagpatuloy sa paglulunoy ang babae. Sumisid pa nang sumisid sa malalim na bahagi ng sapa. Sanay na sanay ang babae sa pagsisid. Nakita niya ang bawat galaw ng babae sa ilalim. Nairekord niya ang bawat kampay ng babae habang nasa ilalim ng tubig.

Matagal bago lumutang ang babae. Nang lumutang ay sisinghap-singhap ang babae. Hinabol ang paghinga.

Maya-maya, muling pina­sadahan ng hilod ng kanyang palad ang katawan. Sinasaid ang dumi sa balat. Ipinasok ang palad sa loob ng daster at hinilod. Hinilod ang mga dibdib, ang puson at ang mga hita at binti. Hindi humihinga si Drew habang gi­nagawa iyon ng babae. Pati ang ‘‘kaangkinan’’ nito ay ilang­ ulit ding pinasadahan ng hilod.

Pagkatapos ay muling sumisid. Ilang ulit lumubog at lumitaw. Nagbabanlaw na ang babae.

Pagkatapos ay humakbang na ang babae patungo sa pampang. Tapos nang maligo. Dinampot ng babae ang balumbon ng mga pako sa sako at binit­bit. Uuwi na ang babae.

Nagpasya si Drew, susundan niya ang babae.

Gusto niyang malaman kung saan nakatira ang babae.

Nagmamadali siyang tumayo at sinundan ang babae na mabilis na nag­lakad makaraang maka­sampa sa pampang.

(Itutuloy)

vuukle comment

DREW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with