^

True Confessions

Monay (146)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Hindi ka pa kumakain, Kuya,’’ sabi ng maid na nag-aalala.

“Hindi pa ako nagugutom.’’

“Gusto mo dalhan kita rito ng pagkain Kuya?’’

“Huwag na. Busog pa ako. Ang dalhin mo rito ay ‘yung alak na nasa bar. Mag­dala ka rin ng yelo.’’

Atubili ang maid. Nagta­taka marahil dahil hindi naman umiinom ng alak si Joem.

“Narinig mo ang sinabi ko? Kunin mo ang alak sa bar at dalhin dito!’’

“Opo Kuya! Sandali po!’’

Maya-maya dala na ng maid ang alak at ang yelo. Ibinigay kay Joem.

Isinara ni Joem ang pinto.

Binuksan niya ang alak at nagbuhos sa basong may yelo. Tinungga. Masarap ang hagod sa kanyang lalamunan.

Ito lang ang paraan para malimutan niya ang pagka­wala ni Cath.

Nagsalin pa siya, Tinungga.

At isa pa.

Hanggang sa magwating-wating na ang kanyang pani­ngin. Umiikot ang paligid­. Parang tinatangay siya nang malakas na ipu-ipo. Pa­­taas nang pataas.

Hanggang sa makarating­ siya sa kinaroroonan ni Cath. Nakita niyang nakaupo si Cath sa isang puting bato. Puting-puti rin ang damit ni Cath na parang ikakasal. Nakangiti sa kanya si Cath. Pinalalapit siya nito.

Pero ang pinagtataka ni Joem ay hindi niya maihakbang ang mga paa. Naninigas ang kanyang mga paa at binti. Pinupulikat yata siya. Pinipilit niyang humakbang pero hindi niya magawa. Bakit hindi niya magawang makalapit sa kinaroroonan ni Cath. Gusto niyang makasama ito. Sabik na sabik siya sa asawa.

Pinilit niyang igalaw ang mga paa pero ayaw. Pinilit din niyang sumigaw pero hindi niya magawa. Walang luma­labas sa kanyang bibig. Ano itong nangyayari sa kanya? Bakit wala siyang lakas.

Pinilit niyang isinipa ang paa. Ubos lakas! Pinilit din niyang sumigaw.

Hanggang makarinig siya ng mga katok sa pinto. Ma­lakas ang katok. At nakarinig siya ng tawag.

“Bro si Mark ito! Buksan mo ito! Bro! Bro!’’

Saka lamang tuluyang nagising si Joem. Binabangu­ngot ba siya?

“Bro! Bro! Buksan mo ito!’’

Bumangon siya at binuksan ang pinto.

Nakita niya ang kaibigang si Mark.

‘‘Anong nangyayari Bro? Tinawagan ako ng maid at sinabing ilang gabi ka ng sumisigaw. Hindi ka rin daw kumakain. At umiinom ka na raw ng alak.’’

“Gusto kong malimutan ang mga nangyari kay Cath. Gusto kong makalimot!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with