^

True Confessions

Monay (143)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi alam ni Joem kung gaano siya katagal na umiiyak habang nakayakap sa walang buhay na asawa.

Napaangat lamang siyang nang maramdaman ang ma­rahang hagod sa likod ng ka­ibigang si Mark. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Mark ang nangyari kay Cath. Pero noon pa, alam na nito na may taning na ang buhay ni Cath. Lagi rin siyang tinatawagan at tini-text ni Mark at tinatanong ang kon­disyon ni Cath.

‘‘Pagpahingahin mo na siya Bro. Masakit pero kaila­ngang tanggapin. Hanggang doon na lang talaga ang buhay ni Cath. Hayaan mo na siya,’’ sabi ni Mark habang patuloy na hinahagod ang likod ng kaibigan.

‘‘Nabigla ako Mark sa pag-alis ni Cath. Hindi ko akalain na ngayon na niya ako iiwan. Bigla siyang dumaing kanina na hindi makahinga at maalinsangan daw kaya isinugod ko rito sa ospital. Pero wala na. Huling pag-uusap na pala namin kanina. Iniwan na ako ng asawa ko.’’

‘‘Alam mo, Bro, hindi ako mapakali kanina kaya sumugod ako rito. Bigla akong kinabahan. At tama ang kutob ko na may nangyari kay Cath.’’

‘‘Salamat sa pagdamay, Mark. Medyo panatag na ako.’’

‘‘Tanggapin mo nang maluwag ang nangyari, Bro.’’

Bumuntunghininga si Joem at muling hinawakan ang palad ng namayapang asawa.

Sa burol ni Cath, hindi uma­alis si Joem sa tabi ng kabaong ng asawa. Lagi niya itong pi­nagmamasdan. Hindi niya pinagsasawaan ang kagandahan nito. Walang katulad ang kanyang asawa. Nag-iisa ito. At saka mararamdaman niya na may umaagos na luha sa kanyang mga pisngi. Walang pagkaubos ang kanyang luha.

Habang basa ng luha ang kanyang mga mata, nag-flashback ang mga magagandang tagpo nila ni Cath. Ang tagpo ng una silang kumain sa seafood restaurant sa Baclaran. Hindi niya malilimutan iyon sapagkat doon nag-umpisa ang kanilang pagmamahalan.

Nag-flashback din ang ka­­nilang masayang bakasyon sa Paraiso Beach. Naghabulan sila sa dalampasigan. Nagsabuyan ng tubig. Sariwa pa sa kanya ang malakas na halakha ni Cath.

At paano niya malilimutan ang tagpo na magkasama nilang tinatanaw ang paglubog ng araw.

Naalala rin niya ang tagpo na ipinagluto niya ito ng fishball doon sa kanyang lumang bahay. Sarap na sarap si Cath.

Ngayon ay pawang alaala na lamang ang lahat ng mga iyon. Wala na ang kanyang asawa.

Muling tumulo ang kan­yang luha.

(Itutuloy)

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with