^

True Confessions

Monay (139)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Bakit ang pinakamamahal pa niyang babae ang nagdaranas ng sakit? Anong kasalanan ni Cath para magkasakit nang malubha?

Iyon ang mga katanungan sa isip ni Joem. Mula nang ma-detect ang cancer ni Cath, hindi na normal ang buhay niya. Halos araw-araw ay nangangamba siya sa kalusugan ng asawa. At ang pinakamatinding tanong niya sa sarili: paano kung iwan siya ni Cath? Paano kong magpaalam na ito sa kanya.

Napabuntunghininga si Joem. Sunud-sunod. Baka hindi niya makaya kung mawala sa kanya si Cath. Baka hjndi niya matanggap. Hindi niya kayang mag-isa.

Nasa ganoon siyang malalim na pag-iisip nang dumating ang kaibigan na si Mark. General manager na si Mark.

Marahang kumatok si Mark pero hindi narinig ni Joem dahil sa mga iniisip ukol sa kalagayan ni Cath. Alam na ni Mark ang kalagayan ni Cath.

‘‘Joem!’’ tawag niya.

Saka lamang nag-angat ng tingin si Joem.

‘‘Puwede kang maabala, Bro.’’

‘‘Halika.’’

Pumasok si Mark. Naupo sa silya.

‘‘Sorry kung naabala kita, Bro.’’

“Okey lang Mark. Mayroon lang gumugulo sa isip ko – ang lagay ni Cath.’’

“Alam ko. Para na tayong magkapatid kaya ang mga nararamdaman mo, nadarama ko rin. Kaya nga ako nagpunta rito e para libangin ka dahil alam ko ang dinadala mo.’’

“Salamat Mark.’’

“Ano ba ang development kay Cath?’’

“Patuloy ang chemo session niya. Baka next week ay malaman ang progress.’’

“Nagdarasal ako para sa recovery ni Cath. Pati mga empleyado natin, sama-samang nagdarasal para sa paggaling ni Cath.’’

‘‘Maraming salamat, Mark.’’

“Powerful ang dasal kaya patuloy akong umaasa na gagaling ang misis mo. Alam ko kung gaano mo siya kamahal.’’

Nangilid ang luha ni Joem.

“Iniisip ko pa lang ang maaring mangyari kay Cath e hindi ko na makaya. Hindi ko alam kung makakapag-isa pa ako, Mark kapag may nangyari.’’

“Dasal lang Bro. Dasal lang.’’

Makalipas ang isang linggo, kinausap si Joem ng doktor. Tinapat na siya nito.

“Hindi na kinakaya ng chemotheraphy ang cancer cells. Mahirap nang maisalba si Cath, Joem.’’

Gustong maguho ng mundo ni Joem sa narinig sa doktor.  (Itutuloy)

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with