^

True Confessions

Monay (136)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Sa sinabi ni Cath na biyuda na si Monay, dahil namatay ang asawang sundalo sa Afghanistan, naalala niya ang sinabi ni Trisha. Totoo nga na may asawa na si Monay. Ang hindi alam ni Joem ay kung may communication pa sina Trishia at Monay.

“Mayroon silang isang anak, Hon,’’ sabi ni Cath na ang tinutukoy ay si Monay.

“Ganoon na agad kayo ka-close ni Monay, Cath?” may pagtataka sa boses ni Joem.

“Oo. Sa messenger nga kami nagkukuwentuhan. Pero don’t worry at ‘di ko pa sinasabi sa kanya na ikaw ang husband ko.’’

“Bakit ‘di mo pa sabihin?’’

“Huwag muna. Gusto ko kapag matagal na kaming magkaibigan.’’

“Bakit?’’

“Basta.’’

“Natutuwa talaga ako sa’yo Cath dahil gustung-gusto mong maging kaibigan si Monay.’’

“Dahil nga naging mabuti siya sa’yo. Kakaiba siya. Ikaw lang e ayaw mo siyang i-friend. Ako nga ay nagtataka sa’yo dahil ayaw mo siyang i-friend.’’

“Alam mo kung bakit?’’

“Dahil siguro sa naikuwento mo nung high school graduation n’yo na hindi ka niya pinansin. ‘Yun ba ang dahilan?’’

Tumango si Joem.

“May tampo ka sa kanya?’’

“Oo.’’

“Sabi ko na nga ba at may dahilan kaya ayaw mong makipag-friend kay Monay. Maliban dun, wala na?’’

“Wala na.’’

“Baka naman meron pa, Hon.’’

“Wala na.’’

‘‘Okey.’’

‘‘Paano kung malaman niya na mag-asawa pala tayo?’’

‘‘Hindi niya malalaman, sure ako. Wala namang magli-link sa ating dalawa dahil hindi pa tayo friend sa FB di ba?’’

Napangiti na lang si Joem.

Makaraan ang ilang buwan mula nang mag-tour sila, nakaramdam nang panghihina at pananamlay si Cath.

Nabahala si Joem dahil sa kalagayan ng asawa.

‘‘Anong nararamdaman mo, Cath?’’

‘‘Nanghihina ako, Hon.’’  (Itutuloy)

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with