^

True Confessions

Monay (120)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Mabilis yata ang mga plano n’yo Bro?’’ tanong ni Mark.

“Ako ang may gusto na makasal na kami, Mark. Ayaw pa nga ni Cath na ipagsabi ang aming relas­yon. Ako lang ang mapilit.’’

“Sabagay bakit pa nga ba itatago. Wala namang masama dahil binata ka at dalaga naman siya. Parehong nagmamahalan. Ano ang problema?’’

“Ang age gap namin ang nagpapa-worry sa kanya­. Ano raw ang sasabihin nang makakaalam? Ang layo raw ng edad namin. Sabi ko, bakit niya iisipin ‘yun. Sabi ko pa nga, ang tingin ko sa kanya ay 30-anyos kaya ako ang paniwalaan niya. Ako ang nagmamahal sa kanya kaya mani­wala siya. Ayun, naniwala sa akin. Ako na raw ang bahala. Sunud-sunuran na lang daw siya sa akin.’’

“Talagang mahal na mahal ka niya, Bro. Ang babae na submissive sa kanyang mapapangasawa ay magiging mabuting may­bahay.’’

“Napi-feel ko nga Mark. Napakabait ni Cath. Alam mo sa apat na araw naming­ magkasama sa isang resort­ talagang nagkahulihan kami ng loob. Nakilala namin ang isa’t isa. Lubos naming nadama ang tinatawag na pag-ibig.’’

“Ang daya n’yo, Bro. Sana sinama mo ako.’’

“E di istorbo ka pa.’’

Nagtawa si Mark.

‘‘Saang beach resort kayo nagtungo, Bro?’’

Sinabi ni Joem.

“Maganda ba talaga sa resort na iyon?’’

‘‘Super. Kakaunti pa ang nakaaalam kaya talagang tahimik na tahimik. Napaka­gandang tanawin ng sunset.’’

“Napakaromantic pala ng lugar na pinuntahan n’yo.’’

‘‘Oo, Mark.’’

“E di talagang tuluy-tuloy na ang wedding n’yo.’’

“Wala nang makakapigil, Mark.’’

“Congrats uli. Ngayon­ pa lang nakikita ko na kung sino ang magiging presidente ng kompanya. Mark my word, Bro.’’

Napangiti lamang si Joem sa sinabi ni Mark.

Dumating ang araw ng kasal nina Joem at Mam Cath. Marangyang kasal. Maraming dumalo. Mga kaibigan at mga empleyado ng kompanya. Sa oras ng reception sa isang hotel, hindi matapus-tapos ang pasasalamat nina Joem at Cath sa mga dumalo. Inisa-isa nila ang mga mesa ng guests. Marami ang humahanga sa dalawa.

Pakiramdam nina Joem at Cath, nakalutang sila sa ulap sa tindi ng nadaramang kasiyahan. (Itutuloy)

vuukle comment

MARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with