^

True Confessions

Monay (104)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ano Joem, hindi ka na nakasagot? Ayaw mo yata akong isama sa bahay mo,’’ sabi ni Mam.

‘‘Gusto, Cath. Kaya lamang, maliit itong bahay ko. Nakakahiya naman na bibisita ka sa masikip na bahay.’’

‘‘Bakit, hindi ba ako kakasya sa bahay mo?’’

Nagtawa si Joem.

“Hindi naman. Ibig kong sabihin, maliit at saka hindi maayos. Alam mo na, hindi ako nakakapaglinis.’’

“Ah basta, isang araw, isama mo ako sa bahay mo. Magtatampo ako sa iyo.’’

‘Sige na nga. Kailan ang gusto mo para nakakapaglinis ako nang husto.’’

‘‘Sa Saturday. Sunduin mo ako rito sa bahay ng 1:00 p.m.’’

“Sige.’’

“’Yung pangako mo sa aking fishball na may masarap na sauce baka malimutan mo. Gusto kong matikman ‘yun sa Sabado.’’

“Sige, ihahanda ko na ang mga iluluto.’’

Naghikab si Mam Cath.

“Inaantok na ako Joem. Salamat sa matiyang pakikipag-usap sa akin. Sa Sabado ha, huwag mong kalimutan?’’

‘‘Inaantok na rin ako! Salamat din sa pakikipag-usap, Cath. Mahimbing na akong matutulog ngayon.’’

Natapos ang pag-uusap nila.

Mahimbing na natulog si Joem. Pinakamahimbing na tulog na nagawa niya.

Sabado. Naglinis muna ng bahay si Joem. Pinakin­tab ang sahig. Pinalitan ng bagong kurtina ang bintana. Matapos maglinis, nagtungo siya sa Divisoria at bumili ng fishball na iluluto para kay Mam Cath. Sa tindahan na dati na niyang binibilhan siya bumili. Sigurado siya sa kalidad at sarap ng fishball sa tindahang iyon. Halos lahat ng FB vendors ay doon bumi­bili dahil laging bago ang mga pa­ninda. Hindi lang fishball ang tinda roon kundi pati squid ball at iba pa. Bumili na rin siya ng mga sangkap sa paggawa nang sawsawan. Kailangang masarap na masarap ang gagawin niyang sawsawan para hindi siya mapahiya kay Cath.

Eksakto alas dose nagtungo na siya sa bahay ni Cath. Naghihintay na si Cath sa may gate nang duma­ting siya. Naka-jeans at jacket na maong si Mam. Hindi na bumaba si Joem. Sumakay si Cath.

“On time ka talaga, Joem.’’

“Ayaw kong naghihintay ka.’’

“Lets go.’’

Umalis na sila.

Thirty minutes lang at nasa bahay na sila ni Joem.

“Halika,’’ yaya ni Joem at binuksan ang gate. Pumasok sila.

Napansin ni Mam Cath ang fishball cart na nasa gilid ng bahay.

“’Yan ba ang cart na ginamit mo sa pagtitinda ng fishball noon, Joem?’’

“Oo.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with