^

True Confessions

Monay (84)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi makapaniwala si Joem sa ibinalita ni Mark na patay na ang big boss ng kompanya – ang kapatid na lalaki ni Mam Catherine.

‘‘Kahapon lang ay nakita­ ko siya rito, Mark. Nakasa­lubong ko. Binati ko pa.’’

“Inatake kagabi.’’

‘‘Napakabait pa naman ni Sir. Napakaikli talaga ng buhay.’’

‘‘Sixty five lang daw si Sir.’’

“Bata pa ano? Marami pa sanang magagawa sa kompanya natin.’’

‘‘Marami ngang nalung­kot sa biglang pagpanaw ni Sir.’’

‘‘Sino kaya ang papalit sa kanya, Mark?’’

‘‘Siyempre hindi pa pag-uusapan ‘yan, Bro. Pero ma­lakas ang kutob ko si Mam Catherine. Ang alam ko, siya ang No. 2.’’

‘‘Sana si Mam na nga ano, Mark.’’

‘‘Basta malakas ang kutob ko.’’

‘‘Marami ba silang may-ari nitong kompanya ?’’

“Ayon sa narinig ko, 80 percent ng share nitong kompanya ay sa pamilya nina Mam at ‘yung 20 ay sa ibang tao. Majority sila.’’

‘‘Ilan bang magkapatid sina Mam?’’

“Tatlo. ‘Yung bunso nilang kapatid ay nasa Canada at dun na naka-base.’’

“Si Mam lang pala talaga ang malaki ang posibilidad na mag-take over ano Mark?’’

“Oo.’’

‘‘Baka hindi na ako makapasok sa room kapag siya na ang big boss. Ano sa palagay mo Mark?’’

“Hindi naman magbabago ‘yun. Ikaw nga ang nagsabi na mabait pala si Mam. At katunayan nga ay naipasok pa ang pinsan mo.’’

‘‘Sana nga, Mark.’’

“Palagay ko kung ano si Mam nung mababa pa ang kinalalagyan, ganundin­ siya kapag nasa tuktok na.’’

Nag-thumbs up si Joem kay Mark.

Dalawang linggo ma­karaang mamatay ang big boss, kumalat sa buong kompanya ang balita na si Mam Catherine na ang bagong presidente.

Lumapit agad si Mark kay Joem.

“Naniniwala ka na sa po­wer kong manghula, Bro? ‘Di ba nagkatotoo na si Mam na ang bagong boss?’’

“Oo nga. Bilib na ako sa’yo.’’

“Si Mam na ang big boss ngayon.’’

“Kayang-kaya naman ni Mam.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with