^

True Confessions

Monay (78)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Sasabihin na ni Joem ang problema kay Mam Catherine nang biglang bumukas ang elevator. Pinauna niyang pumasok si Mam at saka siya sumunod. Pinindot ni Joem ang ground floor sa panel. Sumara ang elevator.

“O ano ang sasabihin mo Joem. Sige at baka matulungan kita.’’

“Mam, ipakikiusap ko po sana na maipasok ng trabaho ang pinsan kong lalaki. IT graduate po siya at kasing-edad ko.’’

“Hmmm. Sige, bukas ng umaga papuntahin mo siya sa opis ko at titingnan ko kung ano ang magagawa ko.’’

“Salamat po Mam.’’

“Anong name niya?’’

“Bong po.’’

“Pinsan mo?’’

‘‘Opo. Patay na po ang father niya at ang mother naman niya ay maysakit – dia­betic. Nung isang araw po ay nagpunta sa bahay at nakiusap sa akin. Sabi ko ay titingnan ko kung ano ang magagawa ko. Sa totoo lang Mam, wala talaga akong alam na malalapitan. May nakapag-suggest lang po sa akin na ikaw ang lapitan ko dahil mabait ka raw.’’
‘‘Talaga? Sino naman ‘yung nag-suggest sa iyo?’’

‘‘Si Mark po.’’

‘‘Ah okey. Mabait pala ako para sa kanya,’’ sabi at ngumiti.

‘‘Mabait ka naman talaga Mam. Walang kasing bait.’’

‘‘Sige sabihin mo sa pinsan mo na tanggap na siya, ha-ha-ha !’’

Nakitawa rin si Joem.

Maya-maya, nakarating na sila sa ground floor. Bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas sila.

Bigla na namang lumapit kay Joem ang guard na nasa reception at inagaw sa kanya ang bitbit na pag-aari ni Mam. ‘Yun din ang guard na uma­gaw sa kanya noong una silang magkasabay ni Mam sa elevator. Binigay ni Joem ang bitbit na bag. Aywan ni Joem kung napansin ni Mam ang sipsip na guard. Mabilis na dinala ng guard ang mga bag ni Mam sa kotse nito.

“Sige Joem, bukas papuntahin mo ang iyong pinsan sa opis ko, okey?’’

“Opo Mam. Maraming salamat.’’

Tumalikod na si Joem at lumabas ng building. Nasalubong pa niya ang sipsip na guard na nagdala ng gamit ni Mam sa kotse nito. Tiningnan pa siya ng sipsip.

Hindi na pinansin ni Joem ang guard. Mas binig­yan pansin niya na nasabi niya kay Mam ang problema ukol kay Bong at kutob niya may magandang resulta. Ma­ipapasok niya ito sa trabaho.

(Itutuloy)

vuukle comment

IT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with