^

True Confessions

Monay (75)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Oras ng meryenda ay ang tungkol pa rin sa pagpasok kay Bong sa ka­­nilang kompanya ang ini­isip ni Joem. Wala pa siyang ma­isip na malapitan para ma­bilis na maipasok ang pinsan.

Nahalata siya ni Mark na kasama niyang nagme­meryenda.

‘‘Anong iniisip mo, Bro? Kanina pa kita napapansin na parang may gumugulo sa isipan mo. Kung tungkol sa mga inoobertaym mong backlog, payo ko, huwag mong didibdibin at trabaho lang ‘yan. Relaks ka lang.’’

“Hindi ‘yun, Mark.’’

“E ano?’’

Kung maaari ayaw sana ni Joem na mayroong ma­kaalam na may ipapasok siyang kamag-anak sa kompanya pero naisip niya baka may maitulong si Mark. At isa pa, mapagkakatiwalaan si Mark na hindi kakalat ang tungkol dito. Nahihiya kasi siyang may makaalam.

Sinabi ni Joem kay Mark ang problema.

“Napakasimple naman niyang problema mo,’’ sabi ni Mark at nagtawa.

“Paano? May kakilala ka ba na puwedeng lapitan. Ka­ilangan kasi may magba-backup lalo’t freeze hiring yata ngayon.’’

“Meron!’’

“Sino?’’

Inilapit ni Mark ang bibig sa taynga ni Joem at ibinulong.

‘‘Ilapit mo kay matandang dalaga.’’

Natigilan si Joem.

“Kakahiya, Mark. Parang hindi ko kakayaning lumapit at makiusap.’’

“E ‘di ba ilang beses mo na siyang nakausap at sabi mo ay pinupuri ka pa niya. Ipinatawag ka pa nga dahil nabasa ang story mo sa newspaper.’’

“Kahit pa Mark. Parang mahirap pumasok sa opisina ni Mam at makikiusap.’’

‘‘Sabi mo mabait si Mam.’’

‘‘Oo. Pero ayaw kong isipin na porke at pinuri niya e sasamantalahin ko ang pagkakataon.’’

“Sige kung nahihiya ka e wala na tayong magagawa. Pero para sa akin, wala namang masama kung susubukan mo. Kung minsan kasi ‘yang hiya ang hadlang sa mga plano.’’

Nag-isip si Joem.

Parang hindi niya kayang makiusap kay Mam Ca­the­rine.

“Pag-isipan mo Bro. Ako malakas ang kutob ko na tutulungan ka ni Mam,’’ sabi ni Mark. (Itutuloy)

vuukle comment

MARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with