^

True Confessions

Ang babae sa silong (131)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nang malaman ng mama ni Gab ang planong pagpapakasal ng dalawa, napa­iyak ito sa sobrang katuwaan. Wala na raw siyang mahihi­ling pa sapagkat natupad na ang mga dinarasal niya sa Diyos. At palagay daw niya, hahaba pa ang buhay niya dahil sa mga magagandang nangyayari sa kanyang mga anak. At lalo pa nga raw siyang magiging maligaya kapag nagkaroon na ng apo kina Gab at Dado.

“’Ma naman, magpapakasal pa lang kami ni Dado, apo na agad ang gusto mo,’’ sabi ni Gab habang nakaakbay sa kanyang mama. Naka­upo sa tumba-tumba ang ina.

“Sabik na kasi akong magkaapo.’’

Sumabat si Dado. “Sige po at mamadaliin namin ni Gab, ha-ha-ha!’’

‘‘Lalo akong sasaya kapag may mga apo na.’’

“Sige po at dadamihan namin ang anak,’’ sabi pa ni Dado at nagtawa muli.

“Salamat naman at na­isipan na ninyong magpakasal. ‘Yan sana talaga ang sasabihin ko sa inyo. Nasa tamang edad na naman kayo. Iplano n’yong mabuti ang mga gagawin para maging masaya at memorable ang kasal.’’

‘‘’Yan po ang gagawin namin,’’ sabi ni Dado.

Isang umaga, may sinabi si Gab kay Dado. Nasa bakuran sila ng bahay.

‘‘Sa palagay mo Dads, sabihin ko na kay Mama na patay na si Papa?’’

‘‘Oo. Kailangang malaman na niya. Mahirap kung itatago pa sa kanya. Palagay ko naman, matatanggap na niya.’’

‘‘Sige Dads.’’

Pero hindi na pala nila kailangang sabihin sa ina ang nangyari sa kanilang papa sapagkat alam na pala nito noon pa. Si Ino ang nagsabi sa ina.

Sabi kay Gab ng kanyang mama, ‘‘Matagal ko namang napatawad ang papa mo. Hindi pa siya namamatay, napatawad ko na siya. Wala ka nang dapat ipag-alala sa akin, Gab.’’

Niyakap ni Gab ang kanyang mama.

Bumalik na sa Maynila sina Gab, Dado at Briel. Makalipas ang ilang araw, sinimulan na nina Gab at Dado ang pagpaplano sa kanilang kasal.

Isang umaga ng Sabado, kumatok si Manang Oya sa room ni Dado. Nag-alok ng daing na galunggong.

“Dado, inspeksiyunin mo ang sahig ng kuwarto mo at baka may butas. Ipaaayos ko,’’ sabi ni Manang Oya habang iniaabot ang daing na nasa supot.

“Meron nga pong butas, Manang!’’  (Itutuloy)

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with