^

True Confessions

Ang Babae sa silong (40)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Pinatatawad na kita. Hindi na ako magde­demanda pero huwag mo na sanang gagawin ‘yun,’’ sabi ni Gab sa taxi driver na halos mangiyak-ngiyak sa paghingi ng paumanhin. “Lalo pa at sa tulad kong babae na walang kalaban-laban. Mabuti na lang at may tumulong sa akin ng oras na ‘yun. Mangako ka na hindi mo na gagawin ‘yun,’’ dagdag ni Gab.

“Hindi na po Mam. Pa­ngako. Nabigla lang po ako. Hindi naman po ako tala­gang salbahe.  Marami po akong anak na pinakakain kaya mahalaga sa akin ang trabaho.’’

“Sige, kalimutan na natin ang mga nangyari.’’

‘‘Salamat po Mam. Salamat din po Sir,’’ sabi ng driver na ang tinutukoy ay si Dado.

Tumango lang si Dado.

Nagpasalamat si Gab sa kaibigang abogado ni Dado. Sabi ng abogado siya na ang bahala sa driver.

Nagpaalam na ang mga ito makalipas ang ilang minuto.

Naiwan sina Dado at Gab.

“Makakahinga ka na nang maluwag, Gab.’’

“Oo nga Dado. Salamat uli. Kung hindi sa tulong mo baka wala pa ang bagahe ko.’’

“Walang anuman ‘yun Gab. Teka at tutu­lungan na kitang maipasok ang mga ito,’’ sabi ni Dado at binuhat ang kalahating sako ng bigas.

“Nakakahiya na sa’yo.’’

“Okey lang ‘yun, Gab.’’

Ipinasok na ni Dado ang bigas. Binitbit naman ni Gab ang iba pang dala-dalahan.

Inilagay ni Dado sa harap ng pinto ang sako ng bigas. Hinintay si Gab na makapasok.

“Diyan mo na lang ilagay Dado. Ako na ang magpapasok sa loob.’’

“Mabigat. Dadalhin ko sa loob.’’

“Huwag na. Kakahiya ang loob ng bahay. Marumi. Hindi pa ako nakakapaglinis.’’

“A okey pero sure ka kaya mo nang buhatin papasok itong bigas?’’

“Oo. Kaya kong hilahin ‘yan.’’

“Sige Gab. Papasok pa ako.’’

“Salamat uli Dado. Pasensiya ka na sa abala at sa pagsusuplada ko nun.’’

Ngumiti lang si Dado at umalis na.

(Itutuloy)

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with