^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (10)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘GAB po ang pangalan ng nangungupahan sa silong, Manang?’’ tanong ni Dado na para bang walang malisya o kaalam-alam sa babaing nasa silong.

“Oo. Di ba nasabi ko na sa’yo. Nalimutan mo na siguro.’’

“A parang nasabi mo na nga Manang.’’

‘‘Hindi ko lang naita­nong kung ano ang buong name. Kung bakit Gab ang pangalan.’’

“Baka po Gabrielle o Gabriela, Manang.’’

‘‘Baka nga. Puwede ring Gabby ano? Uso na nga-yon ang pangalang lalaki sa babae. Katulad ng Alex at Maxie.’’

“Oo nga po.’’

“Tapos ang mga lalaki ngayon ay ngalang babae naman di ba?’’

“Ah mga miyembro naman po ng third sex ang sinasabi mo Manang.’’

“Ah oo nga, nakakalito na talaga.’’

“Pero napapansin ko Manang na parang walang laging tao sa silong. Para-ting tahimik. Kapag umaalis ako at dumarating galing work ay tahimik na tahimik.’’

“Ah natutulog siguro. Sa call center yata nagtatrabaho si Gab, yun ang pagkaalam ko. Hindi ako sure. Kaya siguro tahimik na tahimik.’’

Sasabihin sana ni Dado na may nakikita siyang mga lalaki na pumapasok sa kuwarto ni Gab pero hindi na niya sinabi at baka maakusahan pa siyang tsismoso ni Manang.

Sa halip, iba ang sinabi niya.

“Dalaga ba si Gab, Manang?’’

‘‘Oooyyy mukhang crush mo si Gab ha?’’

“Naitatanong ko lang Manang.’’

‘‘Hindi ko alam. Pero sa tingin ko e dalaga pa. Buung-buo pa ang katawan e. Flat ang sikmura at mukhang birhen pa, he-he-he!’’

Bahagyang nagtawa si Dado. Masayang kausap si Manang.

“Mahusay kang kumilatis kung virgin pa ang chick Manang.’’

“Hindi naman. Iyon ay base lang sa nakikita ko. Hindi naman ako eksperto.’’

“Pero siguro nga dalaga pa si Gab, Manang. Minsan ko nang nakita nung nag-inquire sa iyo – nu’ng uupa.’’

‘‘A oo.’’

“Mula nun hindi ko na nakita kaya nga nagtataka ako kung bakit parang walang tao sa silong.’’

“Natutulog siguro yun. Kapag dinalhan ko ng daing o tocino, sisimplehan kong tanungin kung dalaga pa o taken na.’’

Nagtawa si Dado.

Maya-maya’y nagpaalam na si Manang.

 

ISANG umaga na papasok si Dado, natiyempuhan niyang makita si Gab. Pababa siya sa hagdan nang makita ito. May dalang supot. Bumili ng pandesal.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with