^

True Confessions

Alupihan (230)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKA maeskandalo tayo Kuya. Alam mo naman dito sa probinsiya mga konserbatibo pa rin ang mga tao. Babantayan na lang kita habang naliligo ka,” sabi ni Hani.

“Sige. Baka nga may makakita sa atin e kung ano ang isipin. Kaya nga kung maaari e bukas na bukas din ay pakasal na tayo para wala nang problema gaya nito na gusto kitang kasama sa paliligo.’’

“Malapit na Kuya. Tiis-tiis ka na lang muna.’’

“Parang hindi na ako tatagal, Hani. Gusto na kitang mayakap na walang saplot.’’

“’Yang bibig mo Kuya baka may makarinig.’’

“Sino naman ang maka­karinig dito e tayo lang ang narito. Saka sakop pa ninyo itong lugar na ito ‘di ba?’’

“Oo Kuya. Sa amin pa itong bahagi na ito.’’

“Kaya walang ibang tao rito kundi tayo.’’

“Pero meron ding naliligaw na ibang tao rito Kuya. May mga nanghuhuli ng isda at kuhol diyan sa sapa. Sa­gana sa isda at kuhol ang sapa Kuya. Wala kasing naglalason sa mga sapa at ilog dito.’’

‘‘Sige kung ayaw mong maligo e ako na lang. Dun ako sa malalim na lugar sisisid.’’

“Mag-ingat ka Kuya at baka ang masisid mo ay tuod ng kahoy na nasa ilalim. Mara­ming kahoy na inaanod diyan.’’

“Sige mag-iingat ako.’’

Sumisid na si Cris. Marunong naman siyang lumangoy dahil nung nasa kolehiyo siya ay swimming ang kanyang PE.

Napakasarap sumisid. Na­pakalinis ng tubig. Malinaw na malinaw. Walang halong lason na ‘di-katulad ng mga ilog sa Maynila na batbat ng lason at pollution.

Kaya nga hindi na magbabago ang kanyang desisyon­ na dito na sa probinsiya ma­nirahan. Magtatayo siya ng ne­gosyo rito – susubukan niyang magtayo ng tindahan o mini-grocery. Napansin niya na walang malaking tindahan dito. Kailangan ng mga tao rito ng grocery. Wala na­­mang problema ang kur­yente rito. Kung magkakaroon ng grocery rito na tipong 7/11, maaaring pumatok. Lahat nang kailangan ng mga taga-rito ay dapat meron ng kanyang naiisip na grocery. Kukunsultahin niya ang kapatid na si Berna.

Matapos sumisid ay bumalik na siya sa kinaroroonan­ ni Hani.

“Ang sarap maligo! Ayaw mo talagang maligo, Hani?’’

Umiling si Hani.

“Sige na. Para na rin tayong mag-asawa ‘di ba?’’

Nag-isip si Hani.

“Halika na. Sige na.’’

Napilitan si Hani.

“Sige na nga para ma­tigil ka na.’’

Naghubad si Hani.

(Tatapusin na bukas)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with