^

True Confessions

Alupihan (216)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAILAN tayo uuwi sa pro­binsiya namin, Kuya?’’ tanong ni Hani habang hawak nang mahigpit ang kamay ni Cris.

Niyaya siya ni Cris na ma­upo sa sopa.

“Patatapusin lang natin­ ang pandemya, Hani. May bakuna na kaya baka ma­ka­lipas ang tatlong buwan ay balik na tayo sa normal. So ngayon ay Disyembre­, siguro ay mga Abril ay umuwi tayo. Tamang-tama summer.’’

“Sige Kuya. Masaya sa aming probinsiya kapag summer. At isa pa maraming prutas at kung anu-ano pa sa bukid namin.’’

“Talaga? Alam mo noon ko pa gustong maranasan ang buhay sa bukid.’’

“Masarap ang buhay sa bukid Kuya. Tahimik ang buhay kahit na medyo kulang sa pera.’’

“Gusto kong tumira sa bukid Hani.’’

“Makikita mo kapag nakarating ka sa amin. Ikaw ang humusga kung kaya mong manirahan sa isang lugar na malayo sa siyudad.’’

“Ang bahay n’yo malayo sa highway?’’

“Medyo malayu-layo pa Kuya. Siguro mga fifteen mi­nutes lakarin mula sa highway.’’

“Talaga? E ano ang dadaanan? Kalsada o daan lang ng tao?’’

“Kalsada Kuya. Sementado­ na ang kalsada sa baran­gay namin. Masarap maglakad dahil ang magkabilang gilid ng kal­­sada ay pawang mga palayan.’’

“‘Yan ang gusto kong ma­puntahang lugar, Hani. Totoo ba na kapag malapit nang ani­hin ang palay ay napakaba­ngo ng simoy lalo kapag lu­mu­lubog ang araw.’’

“Totoo Kuya. Napakasarap langhapin ng hangin sa bukid kapag nahihinog na ang palay.’’

“Mayroon ba tayong kalabaw na makikita, Hani?’’

“Mayroon Kuya. Gusto mo sumakay ka pa. Ako marunong sumakay sa kalabaw.’’

“Talaga?’’

“Oo Kuya, maraming ala­gang kalabaw si Tatay.’’

“Turuan mo akong sumakay sa kalabaw ha?’’

“Sige Kuya.’’

“Excited na ako Hani. Gusto ko nang makita ang pamilya mo.’’

“Sasabihin ko na sa ka­nila na mayroon akong ka­sama sa pag-uwi sa Abril. Mabuti nang alam nila di ba Kuya?’’

“Oo. Dapat malaman na nila para pagdating natin dun e wala nang tanungan pa.

MABILIS na lumipas ang mga buwan. Balik na sa normal ang buhay. Wala nang pandemya. Masaya na ang mga tao. Marami nang nag-uuwian sa probinsiya. Kabilang dito sina Cris at Hani.

Maaga silang nakara­ting­­. Habang naglalakad, ha­­­­ngang-hanga si Cris sa ganda ng tanawin sa bukid. Maba­ngung mabango ang simoy ng hangin dahil nahihinog na ang palay. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with