^

True Confessions

Alupihan (181)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BIGLANG tumayo mula sa pagkakayuko si Hani at nahuli nito si Cris na nakatingin sa kanyang mga dibdib. Biglang nailagay ni Hani ang isang braso sa tapat ng dibdib. Parang hiyang-hiya gayung siya na ang nasilipan.

Binawi naman agad ni Cris ang pagkakatingin sa mga “papaya” ni Hani kahit huling-huli. Nakakahiya ang ginawa niyang pagsulyap. Kaya lang, sino ba naman ang hindi matutuksong tumingin sa mga “papayang” na-ka­bitin?

“Kailan ka uuwi sa probinsiya n’yo, Hani?’’ naitanong bigla ni Cris para lang mapawi sa isip ni Hani ang pagtingin niya sa mga “papaya”.

“Hindi ko pa alam, Kuya. Bakit po?’’

“Ha? A e kasi’y…gusto ko sanang magpabili ng suman. Di ba binigyan mo ako ng suman – ‘yung masarap na sabi mo’y luto ng iyong mother.’’

“A nasarapan ka pala Kuya sa suman.’’

“Oo. Napakasarap!’’

“E di tatawagan ko si Inay para ipaggawa ka ng special suman. Bukas din ng hapon ay na­rito ‘yun, mainit-init pa.’’

“Naku nakakahiya naman! Akala ko kasi uuwi ka sa inyo kaya ko naitanong ang suman.’’

“Puwedeng ideliber   ‘yun Kuya. Ilan ba ang gusto mong suman?’’

“Mga 25 pieces puwede?’’

“Opo. Sige at tatawagan ko si Inay para maigawa  ka agad.’’

“Salamat Hani.’’

“Walang anuman Kuya.’’

“Salamat nga pala sa pagtulong mo sa pag-aayos ng kama ko. Pagpapalitan ko uli ng kubrekama e tatawagin kita ha?’’

“No problem Kuya.’’

“Okey na ako, Hani. Baka may gagawin ka pa.’’

“Sige Kuya.’’

“Salamat uli.’’

 

GUMISING ng mada-ling araw si Cris. Mayroon siyang mahalagang pupuntahan. Nagtungo siya sa banyo para maligo.

Tiwala niyang itinulak ang pinto ng banyo.

Bigla siyang napaatras sapagkat naliligo pala si Hani. Hubo’t hubad.

Hiyang-hiya si Cris.

“Sorry Hani! Akala ko walang tao!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with