^

True Confessions

Alupihan (134)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Habang naliligo si Hani ay iniisip niya kung ano ang bagong plano ni Diana laban kay Kuya Cris. Sabi ni Gretchen, kailangang pumunta siya sa room nito mamayang alas diyes ng gabi para malaman ang bagong balak.

Totoo kaya ang sinasabi ni Gretchen o paraan lamang iyon para siya magtungo sa kuwarto nito.

At kapag nasa kuwarto na siya ni Gretchen ay saka lamang niya malalaman na “bitag’’ lamang iyon ni Gret-chen. Wala namang bagong plano kundi gusto lamang siyang masarili ni Gretchen dahil nga nabigo na maligo sila nang sabay.

Pero paano niya mala-laman kung nagsasabi ng totoo si Gretchen?

Kailangang pumunta siya at baka nga totoo na may bagong balak si Diana.

Bahala na kung mayroon pang ibang gagawin sa kanya si Gretchen.

Kung halik-halik lang, walang problema sa kanya. Kahit mamaga pa ag labi niya, okey lang. Halik lang naman ng babae. Hindi naman siya masasaktan sa halikan.

Pero ang ikinatatakot ni Hani ay baka pakialaman na ni Gretchen ang ‘‘hinaharap’’ niya. Ilang beses nang tinangka nitong ibaba ang siper ng shorts niya pero hindi natutuloy dahil sa mga sagabal.

Isa nga sa mga naging sagabal ay ang alupihan.

Sa tingin ni Hani, hindi na papayag si Gretchen na walang mangyari sa kanila. Kanina nga ay ayaw puma-yag at pinagpipilitang magsabay silang mag-shower.

Sa totoo lang, naisip ni Hani na baka hindi niya ma-take na may kasama siya sa paliligo. Kakahiyang maligo na may kasama – kahit pa kapwa babae.

Mukhang sanay na sanay na si Gretchen na may kasamang naliligo. Siguro’y madalas silang maligo nang sabay ni Diana.

Ano kayang ginagawa kapag magkasabay na naliligo ang pareho babae. Siguro’y nagsasabunan. Kung pumayag siya na magsabay silang maligo, siguro’y sasabunin siya ni Gretchen at pagkatapos ay sasabunin naman niya ito.

Pati ang kaselanan niya ay tiyak na sasabunin ni Gretchen.

At pagkatapos sabunin ay kung anu-ano na ang gagawin nito sa kanya.

Napahinga nang malalim si Hani.

Saka ipinagpatuloy niya ang pagsa-shower.

Nagsabon siya ng katawan.

Napahawak siya sa ka-selanan.

Napapikit siya. (Itutuloy)

vuukle comment

GRETCHEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with