^

True Confessions

Alupihan (52)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKALATAG sa kama ang katawan ni Diana at nasa dakong ibaba si Gret­chen! Mayroong pi­nag­kakabalahan si Gretchen. Habang tila kumikislot naman na parang ahas si Diana.

Iyon ang mga nakita ni Cris.

At iyon din ang da­hilan kaya may na­rinig na mga ungol si Cris kanina. May na­ganap nang pag­ha­hamok kanina at ngayon ay pangalawang bugso na.

Kay Diana nagmu­mula ang ungol hindi dahil sa siya ay nahihirapan kundi nasisiyahan.

Hanggang sa nabalot pa ng ungol ang buong silid ni Diana. Sunud-sunod na pag-ungol.

Nagmistulang ahas pa si Diana sa pagkaka­tingin ni Cris.

Grabe na!

Iyon ang lihim na sinasabi ni Cris sa sarili.

Ngayon niya naisip­ kung bakit vibes na vibes ang dalawa. Napansin na niya ito noong pinapalitan niya ang kutson ni Diana.

Kaya pala ganun ang kanilang pagbibiruan na para bang batid na batid na ang isa’t isa.

Matindi pala ang kanilang pagsasama --- babae sa babae!

Grabe pala ang da­lawa.

Ipinasya ni Cris na huwag nang pano­orin pa ang mga mang­yayari. Wala na namang iba pang kasabik-sabik.

Dahan-dahan ni­yang inilapat ang pinto.

Dahan-dahan ding umalis, bitbit ang pang­lampaso.

Wala siyang ma­ga­gawa kung iyon ang gusto ng dalawa.

At wala siyang balak na pagsabihan ang mga ito sa ginagawa. Hindi na niya sakop ang mga aktibidad ng dalawa.

May kanya-kanyang­ buhay ang bawat isa. Kung doon sila mali­gaya, ano ang kanyang karapatan para panghimasukan ang mga ito.

Pero na-shock siya sa natuklasang iyon.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with