^

True Confessions

Alupihan (47)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Pilya ang pagkakangiti ni Gretchen matapos mag­tanong kay Diana kung bakit ito naka-panty lang. Pagkatapos ay sumul­yap ito kay Cris na noon ay abala sa paglalagay ng kutson sa kama ni Diana. Si Gretchen ay occupant sa kabilang room --- sa Room No. 4. Nakapagtataka rin kung bakit maaga itong umuwi ng araw na iyon.

“Ano bang nangyari at nakabuyangyang ka Diana. Hindi ka na nahiya kay Kuya,’’ sabi ni Gretchen.

“Itanong mo kay Kuya kung bakit.’’

“Bakit nga, nakakaasar ‘to! Ano bang nangyari?’’

Hindi na nakatiis si Cris at ito na ang sumagot sa tanong ni Gretchen. Gusto rin niyang idiin na walang nangyayaring masama kay Diana.

“May nakita raw alupihan si Diana sa ibabaw ng kutson. Nagsisigaw kaya nagtungo ako rito para tingnan…” sabing marahan ni Cris. “Pero pagdating ko, wala na ang alupihan at sabi ni Diana ay gumapang sa loob ng kutson.’’

“Alupihan? May alupihan sa kutson, Kuya?’’

“’Yan ang sabi ni Diana.’’

Binalingan ni Gretchen si Diana.

‘‘Totoo Diana? May alupihan nga ba sa kutson?’’

Tumango si Diana.

Pero duda si Gretchen.

‘‘Maniwala ako. Hindi nabu­buhay ang alupihan sa ganitong lugar na mainit. Gusto ng alupihan sa halumigmig na environment. Alam ko dahil nag-aral ako ng zoology.’’

“E ‘di huwag kang maniwala.’’

“Bakit ka naka-panty lang. ‘Di ka na nahiya kay Kuya.’’

“Oww para namang hindi ka rin nagpa-panty pag nasa room.’’

“Oo nagpa-panty ako ‘pag nag-iisa sa room. Ikaw kahit narito si Kuya hindi ka nahiya.’’

“Kasi nga nagbibihis ako kanina nang biglang lumabas ang alupihan diyan. Wala pa nga akong bra nang magtungo rito si Kuya. E anong magagawa ko e nataranta ako.’’

“Baka naman may balak ka kay Kuya, ha-ha-ha!’’

Napahagikgik si Diana.

“Ayaw yata e. Ayaw tablan!” Sabi nito at naghagikgik.

“Hoy marinig ka ni Kuya,’’ sabi ni Gretchen.

Nag-iisip naman si Cris. Mukhang may balak nga yata sa kanya si Diana. Muk­hang pinlano yata ang nangyari.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with