^

True Confessions

Alupihan (45)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

AYAW magmalisya ni Cris pero sa ramdam niya, tinutukso siya ni Diana. Noon pa niya ito napansin nang palitan niya ang bumbilya sa kuwarto nito. Napansin niya noon na may pagkaburara ito kung humiga sa kama na para bang nagtitinda ng bibingka. Hindi maingat kung humiga na nakabuyang­yang na ang harapan.

Aywan niya pero iyon ang kanyang pakiramdam sa mga ikinikilos ni Diana.

At naisip din niya na bakit maaga itong umuwi gayung may klase pa ito. Natatandaan niya na ang klase nito ay inaabot hang­gang alas singko ng hapon.

Sinadya marahil na umuwi para isakatuparan ang balak na pang-aakit o panunukso.

At naisip din niya na ginawa lamang marahil na paraan ni Diana na may alupihan sa kutson pero ang totoo ay wala naman. Maaaring nakakuha ng ideya si Diana nang makita siya kanina sa labas habang itatapon ang kutson na mula sa Room 6 na kinakitaan niya ng tunay na alupihan. Kaya napansin niya kanina na napangiti lamang ito nang tanungin niya kung bakit ito maagang dumating. Hindi siya sinagot.

Ngayon ay nakahanda na siya sakali mang mayroon ngang binabalak si Diana.

Lalabanan niya ang pa­nunukso. Hindi siya matitibag sakali ma’t magpakita ng alindog si Diana.

Matibay ang kanyang pangakong binitiwan sa asawang si Maya. Forever niya itong mamahalin at hindi papalitan.

Kaya taas noo siyang pumasok sa kuwarto ni Diana dala ang bagong kutson.

Nagulat siya dahil naka-panty pa rin si Diana. Talagang sinusubukan ang tigas niya!

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with