^

True Confessions

Alupihan (44)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Hindi maganda na naka-panty ka lang at ako ay narito. Baka biglang dumating ang iba pang boarders ay isipin na mayroon akong ginagawa sa iyo o mayroon tayong ginagawa. Alam mo na ang iisipin ng mga makakakita,” sabi ni Cris at iniabot ang pinulot na damit kay Diana. Hindi siya tumitingin sa kahubaran ni Diana pero sa sulok ng kanyang mga mata ay nakikita niya ang mga nakalawit na “papaya”.

Kinuha ni Diana ang damit.

Hindi pa rin tumitingin si Cris sa kabuuan ni Diana.

Kapag nakita niya ang nakatutuksong alindog ni Diana, para na rin siyang nagkasala sa namayapang asawa na si Maya.

Ayaw niyang sumulyap sa maaaring maghulog sa kanya sa kasalanan. Kaya niyang labanan ang tukso.

Hindi siya magigiba. Matibay ang pangako niya kay Maya.

Nasulyapan na niyang nagbibihis na ng t-shirt si Diana. Hindi na ito nag-bra sa tantiya niya.

Kumilos si Cris at binit-bit ang kutson para dalhin sa ibaba.

‘‘Dadalhin ko na itong kutson,” sabi niya.

“Huwag mo akong iwan, Kuya!’’

‘‘Babalik ako. Dadalhin ko ang ekstrang kutson,’’ sagot niya na hindi pa rin direktang nakatingin kay Diana.

“Mabilis ka lang Kuya?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Baka may lumutang pang alupihan dito, Kuya?’’

“Wala na.’’

Lumabas na siya sa kuwarto.

Dinala muna niya sa may gate ang kutson. Ipinatong sa isang mesa para maarawan. Baka sakaling lumabas ang sinasabing alupihan.

Pagkatapos ay tinungo niya ang kanyang kuwarto at kinuha ang kanyang kutson na ipagagamit muna kay Diana.

Bahala na siyang ma-tulog muna na walang kutson. Mas mahalaga ang kanyang boarder.

Binitbit niya at tinungo ang room ni Diana.

Nag-iisip siya sa maaa-ring datnan sa kuwarto ni Diana. Baka naka-panty pa rin ito.

Bahala na. Kaya naman naman niyang laba­nan ang sikad ng tukso. Kailangang matibay siya.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with