^

True Confessions

Alupihan ((9)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

Ang ikalimang babaing bedspacers ni Cris ay dumating kinabukasan. Nagkakape at nagbabasa rin siya ng diyaryo nang may kumatok sa gate. Nang silipin niya ang kumakatok ay isang babae na 25-anyos siguro at maganda. Nasabi ni Cris sa sarili na pawang may mga itsura ang mga babaing bedspacers niya.

Lumabas si Cris sa kanyang maliit na opisina at tinungo ang gate.

“Good morning po Kuya!” bati ng babae.

“Good morning!’’ ganti naman ni Cris sa bati ng babae.

“Ikaw po ba Kuya ang may-ari? Magbe-bedspace po ako kung meron pang available.’’

“Yes ako ang may-ari. Meron pa namang available room. Kung gusto mong makita e halika rito sa loob.’’

“Salamat po Kuya.’’

Binuksan ni Cris ang gate at pinapasok ang babae.

“Halika sa opisina ko. Pasensiya na at medyo maliit ang aking opis.’’

“Okey lang po Kuya.’’

Pumasok sila sa opisina na bagama’t ma­liit ay malamig na­man dahil may inverter aircon.

Pinaupo ni Cris ang babae.

Umupo ito.

“Ako nga po pala si Jaymee, empleyada po.’’

“Ako naman si Cris. Baka gusto mo nang makita ang room?’’

“Sige po Kuya.’’

Tinungo nila ang second floor.

Itinuro niya ang natitirang dalawa pang bakanteng­ room. Nang ma­kita ni Jaymee ay okey na agad dito. Nagdesisyon na agad na lumi­pat.

“Bukas po ako lilipat, Kuya, puwede?’’

“Ikaw ang bahala, Jaymee.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

CRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with