^

True Confessions

Alupihan (8)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

Kinabukasan, isa na namang babaing magbi-bedspace ang dumating. Nagbabasa si Cris ng diyaryo nang may kumatok sa gate. Agad lumabas si Cris.

“Good morning­ Kuya. Puwede po bang mag-bedspace?’’ Sabi ng babaing maikli ang buhok na parang may pagka-tomboy ang dating pero maganda.

“Oo. Halika rito sa loob.’’

Binuksan ni Cris ang gate.

Pumasok ang babae. Isinara ni Cris ang gate.

“Halika sa opis ko.’’

Sumunod ang babae.

Binuksan ni Cris ang screen door. Pumasok siya at sumunod ang babae.

“Maupo ka.’’

Naupo ang babae.

“Ako nga po pala si Gretchen. Fitness ins­tructress po. Kailangan ko lang po ng matitirahan ura-urada dahil bago po ang aming branch na malapit dito. Sana po ma-accommodate ako.’’

“Sure. Puwede mong tingnan. May tatlo pang room na available.’’

“Ay sige Kuya. Ti­tingnan ko.’’

“Halika sa itaas.’’

Umakyat sila.

“Ang linis ng hagdan mo Kuya,” puri ni Gretchen. “Ang sipag ng maid mo siguro.’’

“Wala akong maid. Ako lang ang naglalampaso ng hagdan at sahig.’’

“Wow! Ang sipag mo Kuya.’’

Nakarating sila sa itaas. Ipinakita ni Cris ang mga bakanteng kuwarto.

“Wow cute ang kuwartong ito. Okey na ito sa akin, Kuya.’’

“Ikaw ang bahala.’’

“Magbabayad na po ako at lilipat na ma­mayang hapon, pu­wede?’’

“Puwedeng-puwede Gretchen.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with