^

True Confessions

Alupihan (7)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG oras makaraang ma­kaalis ang bedspacer na si Diana, isang babae pa ang kumatok sa gate ni Cris. Kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo si Cris sa kanyang munting opisina nang dumating ang babae.

Lumabas si Cris at hinarap ang babae na nakaunipormeng pang-opisina.

“Good morning po Kuya. Mag-i-inquire po regarding dito sa nakapaskel. Nagpapa-bedspace ka nga po ba?’’
“Yes, Mam.’’

“Puwede pa po ba? I mean may space pa, Kuya.’’

“Meron pa.’’

“Ay salamat akala ko full na.’’

“Halika rito sa loob.’’

“Salamat po, Kuya.’’

Binuksan ni Cris ang gate at pinapasok ang babae. Isinara uli ni Cris ang gate nang makapasok ang babae. Nasamyo ni Cris ang mahinhing perfume ng babae.

“Halika sa office ko, Miss.’’

Sumunod ang babae kay Cris.

Nang makapasok na sila, pinaupo ni Cris ang babae sa silyang nasa harap ng kanyang mesa.

“Ako nga po pala si Hannah. Nagwo-work po sa isang steel company.’’

“Ako naman si Cris.’’

“Glad to meet you, Kuya. Gaya po ng nasabi ko, gusto ko mag-bedspace at sana matanggap ako dahil kaila­ngan na talaga akong lumipat. Bago lang po ako sa branch namin at ito ang pinakamalapit sa office.’’

“Okey Hannah. Kung gusto mong makita ang room e ha­lika sa itaas.’’

“Sige po, Kuya.’’

Umakyat sila sa itaas. Ipi­nakita ni Cris ang isang ba­kanteng kuwarto.

“Dalawa na ang okupado, Hannah. Puwede kang mamili sa apat pang kuwarto.’’

Ipinakita ni Cris ang tatlo pang bakante.

“Okey na sa akin ang isang ito, Kuya. Ano po ba ang mga kailangan para makalipat ako. Magkano po ang depo­sit at advance payment?’’

Sinabi ni Cris.

“Okey po, Kuya. Magbibigay na po ako ngayon din ng bayad,’’ sabi ni Hannah na satisfied na satisfied sa lilipatang kuwarto.

“Halika sa office, Hannah.’’

Nagbayad agad si Hannah. Pagkabayad ay nagpaalam na.

“Lilipat na po ako mamayang hapon, Kuya.’’

“Sige Hannah.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with