^

True Confessions

Alupihan (6)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

Pinapasok ni Cris ang babae na magbi-bedspace at niyaya sa maliit na opisina sa ground floor. May table siya at dalawang silya roon. May cabinet siya na paglalagyan niya ng dokumento na may kaugnayan sa magbi-bedspace.

“Maupo ka, Miss,’’ anyaya ni Cris sa babae.

Naupo ang babae.

“Magbi-bedspace po ako Kuya, pero pu­wede po bang six months lang dahil mag-a-abroad ako.’’

“Walang problema.’’

“May kontrata pa po ba?’’

“Wala na. Pero humihingi ako ng deposit na isang buwan.’’

“E advance po?’’

“Wala na rin. Deposit lang na isang buwan at ibabalik ko ‘yun kapag aalis ka na.’’

“Maraming salamat Kuya. Ikaw lang ang kakaiba sa nagpapa-bed­space. ‘Yung iba may ad­vance pang 1 buwan.’’

‘‘Hindi naman ako after­ sa pera.’’

“Salamat uli Kuya. Ako nga po si Girlie, saleslady po riyan sa bagong bukas na department store.’’

“Sige Girle, pakisulatan mo lang ang information sheet at pagnakatapos ka sasamahan kita sa itaas para makita mo ang room.’’

“Salamat Kuya.’’

Sinulatan ni Girlie ang information sheet. At nang matapos, sinamahan niya sa itaas. Nang makita ni Girlie, nagustuhan at nang araw ring iyon ay lumipat.

Kinabukasan, mga dakong alas otso ng uma­ga, isang babae uli ang kumatok sa gate. Naka-unipormeng pangkolehiyo ang babae.

Lumapit si Cris sa gate at kinausap ang babae.

“Ano ang kailangan Miss?’’

“Magbi-bedspace po ako, Kuya.’’

“Halika. Pasok ka.’’

Pumasok ang babae.

“Halika sa opisina ko.’’

Pumasok sila sa opi­sina.

‘‘Maupo ka.’’

‘‘Ako po si Diana, es­tudyante. Maaari po ba akong mag-bedspace?’’

‘‘Oo naman.’’

“Magkano po ang ibabayad ko at ano po ba ang mga patakaran dito, Kuya.’’

Sinabi ni Cris.

Napangiti ang babae pagkatapos.

“Puwede ka nga palang magluto rito para makatipid. Nasa ground floor ang kitchen.’’

“Salamat Kuya. Lilipat na po ako ngayon din.’’

‘‘Sige Diana.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with