^

True Confessions

Alupihan (5)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

Para mapanatag ang loob sa isasagawang pagpapa-bedspace, kinunsulta niya ang nakababatang kapatid na babae na nasa Australia – si Berna. Noong mabiyudo siya, laging nakaalalay sa kanya ang kapatid kahit nasa ibang bansa ito. Lagi itong tumatawag at nakikipagpag-communicate sa kanya sa FB. Pinayuhan siya nito na mag-move on na at bigyan ng pagkakataon ang sarili. Alam niya na nagwo-worry ang kapatid dahil nawalan siya ng direksiyon sa buhay mula nang mamayapa ang asawang si Maya. Matagal na namalagi si Berna dito sa Pinas para lamang siya masubaybayan dahil sa matinding kalungkutan na nadama niya.

Ngayon ay magugu-lat marahil si Berna dahil unang pagkakataon na tatawagan niya.

‘‘Hello Berna, si Kuya Cris mo ito. Kumusta ka Sis?’’

Matagal-tagal din bago nakasagot si Berna.

“Ikaw nga ba ito Kuya?’’

“Sino pa?’’

“Himala! Isang himala ito, Kuya, ha-ha-ha!’’

“Himala ka pa riyan!’’

“Himala nga dahil after five years ay naisipan mo akong tawagan.’’

“Ayaw mo?’’

“Siyempre gusto at na­tutuwa ako. Nagbago ka na Kuya. Naka-move on ka na Kuya?’’

“Oo.’’

“Salamat naman. Praise be to God. Matagal kong dasal na makapag-move ka na. Balak ko nga sanang umuwi para alamin ang kalagayan mo.’’

‘‘Okey na ako Sis. Naka-move on na talaga. Meron nga akong ikukunsulta sa’yo kaya ako tumawag.’’

“Ano yun? Kailangan  mo ng pera? Magsabi ka lang, Kuya.’’

Sinabi ni Cris ang planong pagpapa-bedspace.

‘‘Gusto kong kunin ang opinion mo. Okey lang si-guro ano, Sis. Magpapa-bed space ako pero pawang babae lang para walang problema.’’

“Okey lang yan Kuya. Sarili mo namang bahay yan. Mga ilan ang magbi-bedspace?’’

“Anim.’’

“Aba marami kang kikitain diyan. Sige i-push mo yan Kuya.’’

“Thanks Sis.’’

KINABUKASAN, isang babae na agad ang duma-ting para mag-bedspace. Tinanggap agad ni Cris.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with