^

True Confessions

Alupihan (4)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAISIP ni Cris, kaysa mag-empleyo siya, na imposible na rin naman dahil 50-anyos na siya, magpa-bedspace na lang siya. Sigurado pa ang pasok ng pera buwan-buwan sa kanya. Wala pa siyang boss. Hindi na niya kaila­ngang gumising nang ma­aga para pumasok.

Tiyak na hindi siya ma­hihirapang kumuha ng bedspacers dahil malapit ang bahay niya sa unibersidad, hospital at iba pang tanggapan. Sa kanilang kalye, halos lahat ay nagpapa-bedspace.

Lady bedspacers ang tatanggapin niya. Base sa mga naririnig niya sa mga kakilalang nagpapa-bedspace, mas magiging tahimik kung mga babae ang tatanggapin niyang ma­ngu­ngupahan. Karamihan sa mga babae, lalo kung estudyante ay pawang pag-aaral ang inaatupag. Kung lalaki, malamang na magkaroon siya ng problema dahil may mga reklamador at basagulero.

Safe siya kung mga babae ang tatanggapin.

Ang second floor ang kanyang pauupahan at sa ground floor na lang siya titira at magsisilbing opisina na rin niya. Mayroong anim na kuwarto sa second floor. Sapat-sapat na ang kikitain niya sa anim na bedspacers. Hindi na siya magugutom dahil nag-iisa lang naman siya.

Hanggang sa maisip na naman niya ang yuma­ong asawa na si Maya. Kung buhay si Maya, hindi mangyayari ang ganito dahil mayroon siyang ka­tuwang sa buhay. Kung bakit kasi maaga siyang iniwan ng asawa. Humi­nga siya nang malalim. At saka naisip na naipa­ngako na niya sa sarili na hindi na maghihinakit at magmo-move on na talaga.

Kinabukasan, nilinis niyang mabuti ang mga kuwarto sa second floor. Tiyak na magkakasunud-sunod ang gustong mag-bedspace. At hindi magbabago ang kanyang pasya na pawang babae ang kuku­ning bedspa­cers.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with