^

True Confessions

Ahas sa garden (Wakas)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG simple pero masa­ganang reception ang na­ga­nap matapos ang sere­monya ng kasal nina Ale­xis at Nicole.

Lahat nang mga manggagawa ng vegetable farm ay nakipagsaya sa mga bagong kasal.

Maraming handang pagkain kaya lahat ay nasiya­han. Kahit ilang beses magbalik-balik ang mga guests ay walang problema sapagkat walang tigil ang pagluluto. Inabot ng hanggang hatinggabi ang kasayahan. Ang mga kalalakihan ay masayang-masaya sa pag-iinuman. Bumaha ang alak at beer. Maliwanag na ma­liwanag sa paligid ng kubo na pinagdausan ng reception kaya naman lalong ma­rami ang nasiyahan.

Hindi maipaliwag ang kasayahang nadama nila Manang, Cindy, mga anak nito at ang mag-asawang Ester at Mauro. Ngayon lang sila nakaranas ng masaganang handa ng isang kasal habang walang katapusan ang pagtugtog ng mga magagandang awitin na sina Alexis at Nicole ang pumili. Isang perpektong kasalan sa palagay nila ang naganap at hindi nila malilimutan.

At ang ikinatuwa pa ng mga dumalo, mayroon pang pabaon sa kanilang pagkain nang sila ay umalis. Napakagandang give aways sa kanila ang masasarap na pagkain.

Lahat bago umalis ay hindi mapatid-patid ang pagpapasalamat at pagbati sa mag-asawa. Lahat ay nasiyahan sa kasalan.

 

KINABUKASAN, maagang bumiyahe sina Alexis at Nicole patungong Maynila. Patungo sila sa Hong Kong para sa honeymoon.

Nang nasa loob na sila ng NAIA at naka-check-in na, hindi maipaliwanag ni Alexis ang nadamang kaligayahan.

“Sa wakas natupad din ang inaasam natin.’’

“Oo nga, Love.’’

“Masosolo na kita ngayon. Humanda ka!’’

“Baka may makarinig sa’yo. Nakakahiya!’’
“Wala akong pakialam, ha-ha-ha!’’

Humigpit ang pagkakahawak ni Nicole sa braso ni Alexis.

(BUKAS, ABANGAN ANG ISA PANG NOBELA NI RONNIE M. HALOS. HUWAG BIBITIW!)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with