^

True Confessions

Ahas sa garden (419)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG maayos na ang kalagayan ni Nicole, pag­labas nito ng ospital ay isinama siya ni Alexis sa Maynila.

Sa apartment nito sa Sta. Cruz kung saan sila unang nagkita at nagka­kilala siya dinala ng binata.

“Naalala mo ba ang apartment na ito?” Itinuro pa ni Alexis ang spot kung saan nakita niya na nakatalungko si Nicole habang malakas ang ulan.

“Oo naman, Love. Pa­ano ko malilimutan ang gabing iyon na tinulungan mo ako. Sariwang-sariwa pa sa akin at hindi kaila­n­man malilimutan.’’

Tinapik-tapik ni Alexis ang balikat ng kasintahan. Pagkaraan ay pumasok na sila sa loob ng apartment.

“Bahay mo na rin ito Nicole – bahay natin. Dito tayo nag-umpisa at habambuhay na rin tayong magkakasama sa bahay na ito.’’

“Nahihiwagaan ako sa mga sinasabi mo Love.’’

“Masyado ba akong matalinhaga?’’

“Oo.’’

“Simple lang. Balak ko magpakasal na tayo.’’

“Ginulat mo ako, Love.’’

“Ayaw mo o gusto?’’

“Gusto ko. Nagulat nga lang dahil masyadong ma­bilis ang pasya mo.’’

“Kasi ayaw ko nang mag­kalayo pa tayo. Gusto ko lagi kang nakikita. Gusto ko magkasama na tayo bawat oras.’’

“Kung ano ang plano mo at mga gusto mo, sunud-su­nuran ako.’’

“Salamat Nicole.’’

Kinagabihan, namas­yal sila sa isang kilalang mall. Kumain sa isang sikat na restaurant at pagkatapos ay magkahawak-kamay na naglakad sa loob ng isang park na nasa loob mismo ng mall.

Inilatag ni Alexis ang mga plano niya para sa kanilang dalawa ni Nicole.

“Pagka-graduate mo sa kolehiyo saka tayo pakakasal.’’

“Next month na ang graduation namin, Love.’’

“Tamang-tama. Isang linggo makaraan ang gra­­duation, wedding naman.’’

Hindi makapaniwala si Nicole.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with