^

True Confessions

Ahas sa garden (402 )

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAHAL mo rin ako, Nicole?’’ Tanong ni Alexis na hindi pa rin makapaniwala.

“Oo Mang Alexis.’’

“Huwag mo naman akong tawaging Mang Alexis. Parang ang tanda ko na, ha-ha-ha !’’

‘‘Nasanay na akong tawagin kang Mang Ale-xis, he-he-he!’’

“Mula ngayon, Alexis na lang o Love ang itawag mo sa akin.’’

“Love na lang.’’

“Sige Nicole.’’

‘‘Paano kung may makarinig? Halimbawa ay mga kasamahan ko sa gulayan?’’

“E ano naman? Mag-sweetheart na yata tayo.’’

“Sige Love.’’

“Pinaligaya mo ako Nicole. Ikaw ang una kong girlfriend.’’

“Ikaw rin ang una  kong boyfriend, Love.’’

Minabuti ni Alexis na ipagtapat kay Nicole ang tungkol sa naging karanasan kay Brenda noong kabataan niya.

“Gusto kong maging matapat sa iyo Nicole. Meron akong ipagtatapat sa iyo. Tungkol ito sa isang babaing ginamit ako para sa kanyang ambisyon. Mabuti na lang at nakaiwas ako sa babaing iyon. Nagkaroon ako ng aral sa nangyaring iyon at nagawa kong magbago.’’

Nakatitig si Nicole   kay Alexis. Handang makinig sa pagkukuwento ni Alexis.

Ikinuwento ni Alexis na dati siyang gardener sa mansion na pag-aari ni Sir Nath. Mabait si Sir Nath.

‘‘May ka-live-in si Sir Nath na nagngangalang Brenda. Ang babaing iyon ang naging dahilan para sandaling maligaw ako ng landas. Ang akala ko, hindi na masusumpungan ang tamang landas. Mabuti na lamang at nakapag-isip ako at nagtagumpay.”

Nakangiti si Nicole sa ginagawang pagtatapat ni Alexis. Matapat ang lalaking ito.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with