^

True Confessions

Ahas sa garden (394)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PAALIS na ako pero biglang tinawag ni Mang Alexis at pinapasok muli sa loob ng bahay,” sabi ni Nicole kay Nina.

“Pagkatapos ay ano ang nangyari?’’

“Sabi niya, dun na lang daw muna ako sa bahay niya hangga’t wala pa akong matitirahan. Tapos sabi nga niya, isasama raw ako sa kanyang probinsiya at ipapasok sa gulayan.’’

“Gaano katagal bago ka dinala sa probinsiya?’’

“Mga tatlong linggo siguro. Marami pa kasi siyang ginagawa sa Maynila kaya hindi agad nakapunta rito. Habang nasa bahay niya, ako ang gumagawa roon --- nagluluto, naglalaba, nag­lilinis ng bahay. Siyempre nakakahiya naman na hindi gumawa roon. Kinupkop na nga ako kaya dapat ay gantihan ko ang ginawang kabutihan.’’

“Tama ang ginawa mo Nicole. Bilang pagtanaw ng utang na loob yun.’’

“Oo. At alam mo ba talagang napakabait ni Mang Alexis. Isinama ako sa department store at ipinamili ng mga damit at kung anu-ano pa. Tapos ay kumain kami sa labas.’’

“Ehem e ‘di para pala kayong magsiyota ng mga panahong ‘yun.’’

“Nakakahiya nga eh. Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.’’

“Bagay naman kayo, he-he-he!”

“Hoy Nina baka may makarinig ay kung ano ang isipin.’’

“Binata naman si Alexis at dalaga ka naman, anong masama roon.’’

“Baka may siyota na si Mang Alexis e nakakahiya.’’

“Ang alam ko, wala pang siyota si Alexis. Kasi wala akong nakikitang isinasa-ma niya rito.’’

“Paano ka naman nakasiguro na wala nga?’’

“Kung meron e ‘di sana kumalat na rito.’’

“Bakit ba riyan napunta ang usapan natin, Nina. Magtrabaho na nga tayo.’

“Alam mo ang nararamdaman ko, Nicole, may gusto sa’yo si Alexis.”

“Bakit mo naman nasabi, Nina?’’

“Ang bait kasi niya sa’yo. Kapag daw nagpakita ng kakaibang kabaitan ang isang lalaki sa babae, malamang may niloloob ito. Kasi’y una pa lamang na mag-meet kayo e nakita na agad ang kabaitan sa’yo. Ano sa palagay mo Nicole.’’

Hindi sumagot si Nicole. Pero nag-iisip siya nang malalim. Totoo ka-yang may lihim na pagkagusto sa kanya si Alexis? Baka naman talagang mabait at matulungin ang taong iyon. At ang kabaitan ay naipagkakamaling may pagmamahal.

Napahinga nang malalim si Nicole.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with