^

True Confessions

Ahas sa Garden (365)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

Nang  pumasok si Alexis sa kanyang kuwarto para magpalit ng damit ay lalo pa siyang nagulat sa­pagkat wala nang laman ang lalagyan niya ng ma­ruming damit. At nang buksan niya ang cabinet, nakita niya na maayos na nakatiklop at nakahanger ang kanyang mga damit. Nilabhan lahat ni Nicole ang kanyang mga maruruming damit. Pati ang kanyang mga brief ay ma­linis na at maayos na nakatiklop.

Nang makapagbihis ay agad siyang lumabas at nagtungo sa kusina at na­abutan niyang naghahain si Nicole.

“Kakahiya naman sa’yo Nicole pati pala mga ma­ruruming damit ko ay nilabhan mo. Sobra-sobra na ang ginawa mo. Kaila­ngan pala ay pasuweldu­hin kita. Napakarami mong ginawa at palagay ko ay pagod na pagod ka. Pagkatapos nating kumain ay magpahinga ka na roon sa isang kuwarto. Kumpleto naman dun. May aircon at malambot na kama. Doon ka muna habang hindi pa tayo uuwi ng probinsiya.’’

“Puwede na po ako sa sopa, Mang Alexis. Kahit nga sa sahig ay puwede akong matulog.’’

‘‘Dun ka sa kuwarto para mahimbing ang tulog mo.’’

“Nakakahiya naman, Mang Alexis.’’

“Hindi! O sige, kain na tayo para makapag-rest ka. Kakaawa ka naman.’’

Bantulot pa si Nicole na sumabay sa pagkain pero pinilit ni Alexis.

‘‘Sige na, upo na at nang makakain tayo.’’

Sumunod si Nicole.

Kumain sila.

“Wow ang sarap ng kare-kare. Ma­sarap­ kang magluto, Ni­cole.’’

“Salamat Mang Alexis. ‘Yan po ang specialty ko.’’

“Talaga? Kaya pala walang kasingsarap!’’

“Namana ko po sa aking nanay ang husay ko.’’

“Masarap talaga. Ngayon lang ako na­kakain ng ganito kasarap.’’

“Salamat po uli.’’ 

(Itutuloy)

vuukle comment

ALEXIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with