^

True Confessions

Ahas sa garden (360)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HABANG kumakain si Nicole ay nagtungo sa salas si Alexis at nag-iisip kung ano ang sunod na mangyayari. Hindi niya alam kung pagkatapos kumain ni Nicole ay aalis na ito o rito magpapalipas ng gabi. Pero kung siya ang magpapasya, hindi niya hahayaang umalis dahil kalaliman ng gabi at umuulan pa. Kawawa naman. Natulungan na rin lang niya ay lubusin na. Sa umaga na niya paaalisin.

Hanggang sa ma­rinig ni Alexis ang kalantog ng pinggan sa kusina. Hinuhugasan ni Nicole ang mga pinggan na pinagkainan.

Nagtungo si Alexis sa kusina.

“Huwag mo nang hu­gasan ang mga ‘yan,” sabi niya.

Nagulat si Nicole at napalingon.

“Kakaunti lang naman ito Mang Alexis. At saka ako ang kumain dito.’’

“Sige pagkatapos mong hugasan ay dito ka na sa salas para makapagpahinga ka.’’

“Opo.’’

Maya-maya, palapit na si Nicole.

“Maupo ka.’’

Naupo si Nicole.

“Bukas na po ako ng umaga aalis kasi umuulan pa.’’

“Hindi naman kita pinaaalis ngayon. Matulog ka rito at bukas ka na lang umalis.’’

“Dito na lang po ako sa sopa.’’

“Sige.’’

Kinabukasan, nagpaalam na si Nicole.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with