^

True Confessions

Ahas sa garden (356)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAYROON po akong tinakasan! Wala akong ibang matakbuhan kaya dito ako sa gate napatakbo,” sabi ng babae na kumakaligkig sa ginaw.

“Sinong tinatakasan mo?’’ tanong ni Alexis na hindi maiwasang magduda dahil maraming nag­lalabasang modus nga-yon para makapanloko at makapagnakaw.

“’Yun pong babaing sinamahan ko. Ipapasok daw ako ng trabaho pero sa isang KTV club ako dinala.’’

Napailing-iling si Alexis. Marami na siyang nari-nig na ganito na babaing galing probinsiya na ni-recruit para magtrabaho sa Maynila pero sa isang casa dinala at gagawing prosti. Lumang istorya na ang sinabi ng babae.

“Galing kang probinsiya?’’

“Hindi po.’’

“O e saan ka galing?’’

“Kasambahay po ako pero pinagtangkaan ng amo kong lalaki. Ipinasya kong umalis at nakilala ko naman ang babaing sinamahan ko pero gagawin din pala akong pokpok.’’

“E nasaan ang mga magulang mo?’’

“Wala na po akong magulang. Kamamatay lang ng inay ko. Ang tatay ko, matagal nang patay.’’

Nag-isip si Alexis. Hindi probinsiyana ang babaing ito at mukhang kakaiba ang istorya. Baka naman nag-sasabi ng totoo?

“Nasaan ang humahabol sa’yo? Wala naman ah?”

“Nailigaw ko po siguro. Malayo po ang tinakbo ko. Mula sa may Ongpin hanggang dito sa Doroteo Jose.’’

“E saan ka nakatira?’’

“Dati po sa may Retiro pero nagkaroon ng demolition dun kaya napilitan na akong pumasok na maid pero masama ang tangka sa akin ng amo kong lalaki. Minamanyak ako!’’

Nakukumbinsi na si Alexis. Hindi nagbabago ang statement ng babae.

“Wala ka nang kamag-anak na tatakbuhan?’’

“Meron po pero mahirap pa sa daga. Maraming anak at palagay ko hindi rin ako matutulungan.’’

Napahinga si Alexis.

Mukhang nagsasabi ng totoo ang babae.

Nagpasya si Alexis.

“Halika! Pasok ka!” sabi niya at ibinukas nang malaki ang pinto.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with