^

True Confessions

Ahas sa Garden (351)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

LINGGU-LINGGO­ ay umuuwi ng pro­binsiya si Alexis para bisitahin ang kanyang malawak na vegetable farm. Kahit meron siyang matapat na ta­gapamahala, personal pa rin niyang inaalam ang takbo ng kanyang malawak na gulayan at prutasan. Mas maganda kung nakikita niya ang tunay na kalagayan ng kanyang negosyo.

Halos lahat ng kanyang mga manggagawa sa gulayan ay pawang mga ka­barangay niya. Sa totoo lang, halos lahat ng taga-barangay ay may trabaho kaya naman walang naita­talang kaso ng bisyo gaya ng pagsa-shabu o pagmamarijuana. Wala ring nagsusugal o umiinom ng alak. May mga umiinom pero iyon ay dahil sa kasayahan gaya ng birthday. Lahat ay mayroong trabaho kaya walang bisyo. Kaya marami ang pumupuri at nagpapasalamat kay Alexis dahil sa pagbibigay ng trabaho sa mga residente. Mga babae at lalaki ang manggagawa.

Kapag pinagmamasdan ni Alexis ang mga gumagawa sa gulayan at prutasan, lihim siyang napapangiti. Masarap pala ang pakiramdam ng tumutulong. Nakagagaan ng kalooban na marami siyang nabigyan ng trabaho. Dahil mayroong trabaho ang kanyang mga kabarangay, napag-aaral ng mga ito ang kanilang anak.

Naipangako ni Alexis na panga­ngatawanan na niya ang pagtulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho. Marami pa siyang tutulungan.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALEXIS

VEGETABLE FARM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with